Chapter 4

2166 Words
MARIAS OF MY LIFE Maria Jasmine Del Rosario THE SINGER by: Blackrose Chapter 4    (Flashback Continues) Hindi ko namamalayan na unti-unti na akong nahuhulog sa kanya. Kapag may ginagawa ako sa studio or may rehearsals ako ay palagi nitong sasabihin na hintayin ko ang pagdating niya. Kapag tumawag o nagtext siya sa akin ay masaya ako. Kahit simpleng bagay lang na ginagawa niya ay naa-appreciate ko na. Minsan kapag nasa bahay lang ako with nothing to do, he will just come and surprise me. Alam na niya kasi mga schedules ko. He made it possible na alamin ang mga schedules ko and he made it possible na andoon siya palagi for me. As time passes by, palagi na kaming nagde-date ni Nathan. Kung saan-saan kami nagpupupunta. Masaya itong kasama, never a dull moment with him. One time he invited me sa birthday party ng mother niya. Ayoko nga sana but alam kong malulungkot ito if I would say no. And that's what I don't like to happen, ang malungkot ito. So I have to say yes kahit pa alangan ako and there I saw how happy he was sa pagpayag ko. After few days, lulan na kami ng sasakyan nito going to his mother's birthday celebration. Simple lang daw ang sasakyan niya, Mazda RX-7 lang naman na kulay metallic blue. Napaka-WOW talaga. Nalula na ako sa sinasakyan ko eh mas nalula pa ako sa mala-palasyon bahay nila na naka-locate sa Green Meadows. Sobrang yaman pala talaga nila. As we went inside, makikitang class ang mga taong naroroon. When we entered, lahat ay nakatingin sa amin. Binati namin ang ina niya at ang katabi nitong babae na naka-black na long gown with a very low neckline. Ngumiti ang babaeng at biglang tumabi kay Nathan. I've learned mula kay Nathan na anak pala ng business partner ng mother niya sa abroad si Melanie Stanford. He grab my waist tight na parang his saying na mas lamang ako doon and that I shouldn't be intimidated at all. Well hindi naman papahuli ang dress na suot ko. It's a tube gown na red at black ang combination na hanggang taas ng hita ang haba. Then hapit ito which embraces my curve. Kita ang kinis at haba ng legs ko. Pinartneran ko ang suot ko ng isang 5inches stilleto na same ng kulay sa damit ko. Syempre I wanted to impress his mom kaya pinaghandaan ko rin ang occasion. Habang kumakain kami ay nakita kong nakatingin sa amin ang Melanie na yun. But I know kay Nathan ito nakatingin. Nang natapos kaming kumain ay nagpunta kami sa garden na kita ang kagapan sa loob. He gave me a glass of champagne bago nito sabihin na aalis muna siya saglit dahil pinapatawag daw ito ng ina. 'Yes Ma. You want to see me daw.' Kumapit ang kamay ng ina nito sa braso ng binata ko sabay ngumiti. I can see them here sa kinakatayuan ko. Ngunit hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila. 'Hi Son. Thank you for coming to my birthday. By the way, you know Melanie right?' 'Yes Ma.' sabay tingin nito sa dalagang katabi ng ina. Tipid na ngumiti ito habang malapad ang ngiti naman ng dalaga. 'Why don't you be with Melanie first hijo. I don't seem to recognize who you are with tonight.' tahasang sabi nito sa anak. 'She's a well-known singer Ma. She's Maria Jasmine Del Rosario.' pagbibida naman nito sa dalawang kaharap. 'Charmed. Just be with Melanie first.' giit ng ina nito sabay hinawakan ang dalaga sa likod at inilapit kay Nathan. Wala ng nagawa si Jonathan nang umabrisyete ang kamay ng dalaga sa braso nito. I saw the both of them na magkatabi then umalis ang ginang para batiin ang iba pang bisita. I felt a pang of jealousy starting to eat me whole. I felt it creeping inside me. But I don't have the right to be jealous dahil hindi naman kami ng binata. Wala naman kaming relasyon bukod sa manliligaw ko siya. Lalong sumikip ang dibdib ko ng nakita kong lumapit ng mukha ni Melanie sa tenga ng binata na parang may sinasabi tapos ay napunta ang kamay ng dalaga sa likuran ni Nathan. Napapikit ako para hindi ko masaksihan ang pang-aakit ng dalaga. Agad ko inisang lagok ang natitirang champagne na hawak ko. Actually ay pangtatlong glass ko na ito kasi naiinip na ako sa tagal bumalik ni Nathan. I know naman na he is just being modest para hindi mapahiya ang ina pero kinakain ako ng inggit at selos. Napakuha pa ako ng pang-apat kong champagne glass when I saw the girl clinging to Nathan. Although walang pagtugon ang huli sa pagiging aggressive ng katabi, still I am madly jealous. Mabilis ko ulit inubos ang laman ng glass. Medyo tipsy na ako. Tahimik lang ako sa buong duration ng byahe namin hanggang sa makarating na kami sa bahay ko. He is talking to me but my mind is not with me right now. Umupo kami sa may steel na upuan katabi ng small garden ko. Napatingin ako dito ng gagapin nito ang isang kamay ko at halikan ang likod nito. 'I love you Jasmine. Can you be mine?' prangkang pagtatapat nito. 'Please say yes.' nakatitig lang ito sa mga mata ko. 'I want to be the reason why you are smiling Jasmine. To be the reason why your eyes are twinkling. Gusto ko maging girlfriend ka dahil mahal na mahal kita Jasmine ko. Can you be my girlfriend and make me the most happiest man tonight? I saw your expression kanina and I know that I am also important to you.' mahabang sabi nito na nakaluhod na sa harap ko na hawak parin ang kamay ko. Matagal akong nakatitig dito. I know he is sincere dahil kitang-kita ko palagi sa mga gawa at sa mga mata niya. Matagal ko narin napag-isipan ang bagay na ito. It's been almost 6 months narin na sinserong nanliligaw ito sa akin. I want to know what love is. I want to experience how it is to be love and how to love in return. I never had any boyfriend in the past and I don't want to regret it someday na hindi ko naranasan ang masarap na feeling ng nagmamahal according sa marami. I know that I may get hurt dahil iyon naman daw talaga ang pag-ibig. But that is the risk I am willing to take. 'Nathan.' 'Yes Jasmine?' 'Yes.' 'Huh?' kumunot ang nito nito. Lumapit ako dito then nilapit ko ang mukha ko sa kanya then kiss him sa cheek. Ramdam kong nagulat siya sa ginawa ko kaya napangiti ako. Hinawakan ko ang kamay niya at tumingin sa litong mukha nito. 'Yes Nathan.' Tila naman ngayon lang nito naunawaan ang sinabi ko. Mabilis niya akong niyakap habang tawa ng tawa. Hinalikan niya ang buhok ko. 'Thank you babe. I love you so much. I promise not to hurt you and will love you always. I promise to be the best man for you.' Nanatili akong nasa dibdib niya ng niyakap niya ako. I know I've made the right decision. Para wala ng yayapos, yayakap at hahawak ng kamay nito kundi ako lang. Mahal ko na siya. Mahal ko si Nathan. 'I love you babe, Jasmine ng buhay ko.' 'I love you more Nathan.' After 2 weeks ay napagpasyahan kong umuwi ng Pangasinan upang madalaw naman sila nanay. Hindi ko na niyaya si Nathan dahil alam kong busy ito sa work niya. Isa siyang VP sa FreeStyle Clothing Line wherein ang President and Owner ay ang ina nito. Kaya laking gulat ko ng mabungaran ko siya sa labas ng gate ko at may dala-dalang bag. I am putting my things at yung mga gin-rocery ko kahapon para kila tatay sa sasakyan ko. "Hey! What are you doing here? You have work right so bakit ka naandito?' sabay halik ng saglit sa labi nito. 'You don't want to see me na?' pagtatampong sagot nito. 'I'll come with you. Mahirap na.' 'What? Eh diba may trabaho ka?' He swiftly reach for my face then gave me a quick kiss. 'I have some unused leaves before kaya pwede kong gamitin iyon now.' I just look at him. Wala naman akong magagawa kung gusto nitong sumama sa akin sa Pangasinan at sumamang magbakasyon sa akin pansamantala. Ito pa ba eh ang tigas kaya ng ulo nito, kasing tigas ng mga muscles niya sa katawan. So ending, he close the gate then sumakay na sa drivers seat. Nakakapagod ang byahe. Ang sakit ng pang-upo ko. Kaya ganoon na lang ang tuwa ko ng nasa tapat na kami ng bahay nila nanay. Isang 2-storey brick house na may mini-grocery sa gilid. 'Tay! Nay!' malakas na sigaw ko ng makababa ako kay Montero. While si Nathan naman ay nasa likod para ibaba ang mga pinamili ko and our bags. 'Nay! Tay!' muli kong sigaw sa may gate. 'Anak? Anak!!' takbong palapit ni tatay. Pinagbuksan niya ako ng pinto sabay yakap sa akin ng mahigpit. Niyakap pa akong mahigpit ulit ni tatay tapos ay biglang tinawag naman si nanay. Pagkalabas ni nanay ay agad rin itong yumakap sa akin. After ng ilang minutong yakapan at kamustahan ay napatingin si tatay sa may sasakyan ko. 'Anak, may kasama ka ba?' 'Ay! Naku naku! Sorry sorry!' agad akong tumakbo papunta kay Nathan at nakangiting niyakap ito. Hinila ko ito palapit kila tatay at nanay. 'Tay, Nay. Si Jonathan po, nobyo ko. Nathan, sila tatay at nanay mga magulang ko.' Nagulat pa ako ng bigla itong nagmano sa kanila. Marunong pala siya ng ganon? Alam ko kasi laking US siya. Nakakatuwa lang ang inasal niya. Matapos namin mag-gabihan ay niyaya ni tatay si Nathan na mag-inom kasama ang mga pinsan at tiyuhin ko. Humalik muna ito sa buhok ko at nagpaalam bago sumunod kay tatay palabas. Nagkwentuhan kami ni nanay tungkol sa amin ni Nathan. Masayang nakikinig lang ito sa mga kwento. Nasabi ko rin ang tungkol sa concert ko next week. Pupunta daw sila gamit ang pick up ni tatay. Sumilip muna ako sa bintana upang tanawin si Nathan. He seemed to enjoy my relatives' company kaya naisipan ko ng pumasok sa kwarto ko. I'm tired. Inaantok na ako. Kinabukasan... Matapos namin mag-agahan ay sinama kami ng mga pinsan ko sa bukid. Nag-stay kami doon hanggang hapon. Dinalhan na lang kami ng pananghalihan ni tatay. Nang makauwi kami ay niyaya naman ako ng mga kaibigan kong mag-bonding. Pumayag lang ako ng pumayag si Nathan pero dapat daw ay kasama ito. Pinakilala nito ang sarili bilang nobyo ko. Nag-videoke kami, kumain ng ihaw-ihaw tapos ay nagpunta kami sa may ilog. Iba na dito sa may ilog namin kasi ngayon ay may ilaw na kapag gabi. Todo bakod ni Nathan sa akin, aba naman ay pinagseselosan nito ang mga lalaking kasama namin. Matapos ang ikatlong araw ay umalis na kami ni Nathan, kailangan na namin bumalik sa Maynila. Pinabaunan kami ng pagkain ni nanay dahil mahaba daw ang byahe. Bago kami umalis ay kinausap pala ni tatay si Nathan ng masinsinan. Alam kong tungkol sa akin ang pinag-usapan nila. Iniwanan ko rin ng cash si nanay kahit pa mariin itong tumutol. Kinausap ko rin sa labas ang mga kaibigan ko. Natulog ako sa byahe hanggang sa makarating kami ng Maynila. Dumeretso kami sa studio dahil may final instructions daw si Boss sa amin ni Miko. Pagpasok namin ni Nathan ay halatang they are all waiting for me. Bago ako makalapit sa kanila ay pinasuot muna sa akin ni Nathan yung jacket niya dahil naka-white sando lang ako. Tapos tinali rin nito sa bewang ko yung sarong na dala ko para hindi daw pagpiyestahan ang legs ko dahil sa maikling shorts na suot ko. Matapos ang meeting ay hinatid na ako ni Nathan sa bahay. Wala akong lakad kinabukasan kaya makakapagpahinga ako ng bonggang-bongga. Natulog ako maghapon. The next day ay 7am pa lang ay nasa studio na kami. Nagstart agad kaming mag practice ni Miko. Final rehearsal ito bago ang concert sa Saturday. Buong umaga naming kinanta ang mga list of songs namin sa concert. After lunch ay pinuntahan na namin ang Resorts World kung saan doon idadaos ang concert namin. We rehearse everything, mula simula hanggang end. Naki-hitch na lang ako kay Miko pabalik sa studio. Hindi ko na kasi dinala si Montero kanina sa Resorts World. Sumabay ako papunta dun kay Boss tapos ngayon pauwi ay kay Miko naman. Pagdating ko ng studio ay andun na ang boyfriend ko. Nakita kong nakasimangot ito at nakakunot ang noo. Then naalala ko nga pala na usapan naming magdi-dinner sa condo niya tonight. I walk to him and give him a kiss on his lips. Nakasimangot parin ito. Nang makuha ko na yung mga gamit ko ay sumakay na kami kay Montero. Babalikan na lang daw niya yun Mazda niya sa studio. Nawala talaga sa isip ko ang dinner tonight. Nagluto agad siya ng dinner when we reach his place. Nagtulungan kami sa pag-imis ng pinagkainan. He pull me close to him sa veranda after kumain. Nag-init ang pisngi ko when he kiss me passionately. Pero ng medyo lumalalim na ang halikan namin ay agad itong kumalas sa akin. That's what I love about him. Nirerespeto niya ako to the point na sobrang pagpipigil ang ginagawa niya. I love him for that. May usapan kasi kami na kapag kasal na kami eh saka namin gagawin iyon. Saka kami magme-make love. ------,--'-,--'-{@
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD