Chapter 5

1743 Words
MARIAS OF MY LIFE Maria Jasmine Del Rosario THE SINGER by: Blackrose (Flashback Continues) Chapter 5 'Are you ready MJ?' 'Very much ready Boss.' Handang-handa na ako para sa first major concert ko. Happy ako dahil alam kong nasa VIP seats na ang mga magulang ko at si Nathan. So this is it. I'll just enjoy everything kasi first major concert ko ito. 'Hey! You with me right.' akbay nito sa balikat ko. 'Yes Miko. I love to be with you.' pina-sensual ko ang tono ng boses ko. Then I look straight closely at his face. 'Don't do that MJ. Baka makalimutan kong may boyfriend ka na at kaibigan ko pa eh mahalikan kita diyan.' umatras ito palayo sa akin. 'Okay. Let's go?' hawak ko sa braso nito at ngumingiti. 'Let's do this, let's paint this place with love.' hinawakan ako sa kamay sabay pisil nito. After namin magtinginan sa isa't-isa ay naglakad na kami papuntang stage. The crowd roar ng makalabas kaming dalawa ng stage. Mas lalong lumakas ang ingay ng pinakilala ako nito. Iniwan ko na si Miko mag-isa muna sa stage. Kakanta pa siya ng tatlong solong kanta niya as guest singer ko then ako naman after niya. Nasa backstage na ako, resting when I heard shouts mula sa likod ko. Pagtingin ko ay si Nathan pala yun at ang mga magulang ko. I hug them one by one. 'Congrats anak ko.' 'Congrats anak ko. Proud na proud ang tatay sa'yo.' 'Ang galing mo babe. I love you.' sabay abot nito ng bouquet of long-stemmed red roses. Nag-group hug kami then they congratulate me again. After kong magsolo ng limang love songs ay pinalitan ako ni Kristine at James na guests singers ko rin tonight. Mabilis lang akong nagpalit ng isang long cut na black dress. Mahaba ang slit nito sa kanang binti ko. I just bun my hair at nag-iwan ng ilan loose strands. Pumasok na ako para sa aking final na performance ko. Pumailan na ang intro ng kakantahin ko. Nagulat ako ng may kumantang iba. Si Jonathan ang kumakanta ng kantang YOUR LOVE ng bandang ALAMID. I am so shock dahil first time ito. Nag-standing ovation ang mga tao ng matapos ang huling kanta ni Jonathan na sinasabayan ko rin. Niyaya ko lahat ng staffs at ilan guests sa bahay. May konting salu-salo lang. It's like a small celebration lang for a successful concert. Nagkakasiyahan na sa loob dahil panay ang pagpapatawa ni Miko. Mamaya pa ay niyaya ako nila tatay at nanay sa garden. Umupo kami ni nanay sa steel chair habang ang tatay ay nakatayo lamang. 'Anak.' 'Nay, Tay, maraming salamat po kasi kinumpleto ninyo ang gabing ito. Maraming salamat po kasi nagpunta kayo.' niyakap ko si nanay. 'Anak, mamaya ay aalis na kami ng nanay mo.' may lungkot sa mga mata nito. 'Pwede naman na bukas kayo umuwi tay, nay. Gabi na. Bukas na lang tay. Dito na muna kayo tutal ay may isang linggo akong pahinga pwede tayong mamasyal muna dito.' 'Kasi anak, may aasikasuhin kami bukas ng umaga. Kailangan nandoon kami ng tatay mo. Importante yun anak.' 'Saka anak, napakasaya namin ng nanay mo dahil sikat ka na. Sikat na sikat ka na anak. Natupad na ang pangarap namin ng nanay mo sa'yo.' naluluhang sambit ni tatay. 'Oo nga anak. Masayang masaya kami ng tatay mo. Napakaganda mo anak.' sabay haplos ng buhok ko ni nanay. 'Salamat anak at ikaw ang naging anak namin. Wala na kaming mahihiling pa sa Diyos. Siguro ay pwede na kaming mamatay ng nanay mo dahil nakamit mo na lahat ng ninais mo noon.' may bumagsak na luha sa mata ni tatay. Agad akong lumapit kay tatay at mahigpit na niyakap ito. 'Grabe ka naman tay. Porket sikat na at kilala na at natupad na mga pangarap natin eh pwede na kayo mawala ni nanay? Sobra naman yun tay! Saka nay, tay, pupunta pa tayo sa abroad. Magho-Hongkong pa tayo sa Pasko. Kaya huwag kang magsalita ng ganyan tay.' 'Tay, tawagin mo nga si Jonathan.' utos naman ni nanay kay tatay. Na siyang sinunod ng huli at pumasok sa loob. Maya-maya pa ay kasama na ni tatay si Nathan. Parehas kaming nakaupo sa upuan habang nakatayo naman ng mga magulang ko. Taka man kami ni Nathan kung anong nangyayari ay tumingin na lang kami sa unahan. 'Mga anak, Jonathan eh anak narin ang turing namin sa iyo ng nanay Mina mo. Gusto kong mahalin ninyo ang isa't-isa hanggang sa pagtanda ninyo. Mahal na mahal kita Maria anak at gusto kong maging masaya ka palagi. Huwag na huwag kayong mag-aaway pero kung hindi talaga maiwasan ay magkabati kayo agad. Huwag ninyong hahayaan na lumipas ang araw na hindi kayo nagkakasundo.' 'Tulad ng sinabi ng tatay ninyo, hanapin ninyo ang isa't-isa kung may pagkakataon na nagkagalit kayong dalawa. Jonathan anak, respetuhin at galangin mo si Maria ha.' 'Opo tay, nay.' sabay naming sagot ni Nathan. 'Tay, Nay, ano ba mga pinagsasasabi ninyo? Bakit kayo nagsasabi ng ganyan?' naiiyak kong sagot sa kanila. Inakbayan ako ni Nathan at inaalo ako. Magkahawak kamay ang magulang ko. 'Iyan ang huling hiling namin sa inyo' Naiwan ko si Nathan na nakaupo dahil tumakbo akong palapit sa kanila. Mahigpit ko silang niyakap. Hindi ko maintindihan pero kinakabahan ako. Parang nagbibilin na sila na hindi ko mawari. Na para bang aalis sila na hindi na babalik kailanman. Ayoko. Hindi pa ako handang mawala sila. 'Halika anak.' niyaya ako ni tatay sa kandungan nito tulad ng palagi nitong ginagawa sa akin. Naiyak na lalo ako ng suklayan ako ni nanay gamit ang mga daliri nito. Siguro matagal na ulit bago kami magkikita kaya siguro mamimiss nila ako ng sobra ngayon. Ako rin naman mamimiss ko rin naman sila. Makalipas ang halos isang oras ay nagpaalam na ang mga ito sa amin ni Nathan. 'Jonathan, ang anak ko ha. Mahalin mo siya ng higit pa sa buhay mo. Ikaw na ang bahala sa kanya!!' sigaw na bilin ni tatay bago sila tuluyang sumakay sa pick up. 'What are you thinking babe?' gagap nito ng kamay ko. Nasa couch kami now. Nakaalis na ang mga bisita. 'Yung mga sinabi nila tatay at nanay kanina. Natatakot ako Nathan.' yumakap ako sa tagiliran nito. 'Maybe they'll just miss you so much kaya ganon sila.' sagot nito habang hinalikan pa ang buhok ko. 'Well sana nga.' Tuluyan na akong hinila ng antok. Matagal narin siguro akong nakatulog kasi ng naalimpungatan ako ay nakita ko si Nathan na nakasiksik sa akin. Tinignan ko muna ang napaka-gwapong mukha nito. Hindi ito kaputian, hindi tulad ni Miko. Parehas kami ng kutis nito, kayumanggi. Mas bagay ang buhok nito ngayon na maalon-alon. Nakadagdag ito sa kagwapuhan niya. Matangos ang ilong ko pero mas perfectly shaped ang ilong nito. And those d*mn kissable lips niya na alam kong maraming gustong makatikim. I hurriedly stand up pero iniwasan ko rin na magising ito. Umakyat ako sa taas para makapagpalit ng damit. Nagtoothbrush rin muna ako bago kinuha ang isang kumot para ipangtakip kay Nathan sa ibaba. Malamig narin kasi madaling araw na. Nagulat pa ako ng hindi ko nakitang nakahiga pa ito pagbaba ko. I saw him sa single seater na sofa at hawak ang telepono. May kausap ito. Naisipan kong magtungo sa kusina. I get my personalize mug, ang design nito ay ang mga magulang ko na bigay nila sa akin last year ng birthday ko, at kumuha ng fresh milk sa ref. I am drinking ng pumasok si Nathan. He embrace me tight. Yung yakap na parang nang-aalo. Nagtaka na ako ng hindi ako nito pakawalan bagkus ay mas humigpit pa ang yakap nito sa akin. He kiss my hair bago ako pinakawalan. 'Why?' I ask wondering, may iba. May inabot itong isang piece of paper. I look at it. Sulat kamay niya ito. I look at him again pero nanatili itong tahimik. His eyes. I can see loneliness in them. Bakit ito nalulungkot? Ano itong papel na ito? Slowly I open it then read it aloud. St. Patrick General Hospital San Carlos City, Pangasinan Brgy. Bolingit Kinabahan ako yet I still got the courage to ask him. Pangasinan? Hospital? Anong meron? Nanlamig ang katawan ko when he explained everything to me. How come? Dali-dali kaming bumyahe after getting our clothes on both houses. Sa sobrang iyak ko ay nakatulog na pala ako sa passenger seat. Nagulat ako ng hawakan ni Nathan ang kamay ko. I look at him blankly. 'We are here Jasmine.' bakas ang lungkot ang boses nito. I look around the vicinity before we go out. Akala ko what happened sa parents ko ay panaginip lamang but seeing where we are now, I know I am not dreaming. Hinawakan niya ang siko ko para alalayan ako. Nilinaw na sa akin ni Nathan kanina sa sasakyan nito na tumawag daw si Boss Greg kanina sa house but since hindi niya ako makita, he's the one who answered the phone call. According kay Boss ay may tumawag sa kanya from St. Patrick General Hospital, a certain Mang Teddy daw. Hinahanap daw ako. Siya yung driver ng jeep na nagdala kila nanay at tatay sa ospital. Nakita daw yung pangalan ko sa calling card na nasa wallet ni tatay. Kaya si Boss ang natawagan nito dahil yung phone at cp number na nakalagay doon ay number lahat ni Boss. Sa kotse pa lang ay basang-basa na ang panyo ko kakaiyak. Hindi ko akalain na ganito ang mangyayari. And now andito na kami sa tapat ng emergency room. Pumasok na kami sa loob and Nathan was kind enough na siya na ang nagtanong sa isang nurse doon. She pointed sa left side. A doctor named Dr. Stephen Santiago ang nag-assist sa amin. Ang sabi lang sa akin kanina ni Nathan ay naaksidente ang mga magulang ko ng makapasok ng San Carlos City. Kabang-kaba talaga ako kung ano na ang nangyari sa kanila. Nathan press my hand habang sinusundan namin si Dr. Santiago. Nakarating kami sa isang ward kung saan ay huminto kami sa magkatabing higaan na may dalawang nakatakip na kumot. I just remain sa kung saan ako nakatayo. Hindi ako makakilos. Hindi ko maihakbang ang mga paa ko. Ayokong pakinggan ang boses sa kaliwang isip ko. Gusto ko ng gumising kasi hindi na maganda ang panaginip kong ito. Binabangungot ako. Hinawakan ako ni Nathan sa kamay at dahan-dahang inakay palapit sa unahan. Please Lord wag sila tatay ito, please Lord. Huwag po Lord please lang. Napaupo ako sa sahig ng makita ko kung sino ang patay na taong natatakpan ng kumot. Iyak ako ng iyak. Si tatay na nakaratay sa kanang bahagi ng kama. Hindi ko na kaya pang tignan kung sino ang nasa katabi nitong kama. Nahihirapan na akong makahinga. Tumingin ako sa may kisame ng may luha ang mga mata ko. Then I heard Nathan calling my name before everything went black. --------,-'--,-'-{@
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD