Chapter 12

1379 Words
Binalikan niya si Jayden sa kuwarto. Tulog pa rin iyon at napansin niyang namamaluktot sa ginaw. Kaya’t pinatay niya ang bentilador na nakatutok sa higaan. Hinawakan niya ang noo nito. Mainit nga iyon, nilalagnat. Naiinis naman siya sa sarili dahil kinuha niya pa ang kumot. Natigilan siya kung ano ba itong ginagawa niya. Isang lagnat lang ni Jayden, naghilom na ang sakit niya sa mga ginawa nito? Kaya’t binato niya ang kumot sa mukha ni Jayden at saka tumalikod para lumabas ng kuwarto. Pero kaagad namang nagkamalay si Jayden sa ginawa niyang iyon kaya’t tinawag siya. “Saan ka pupunta?” malamyang tanong ni Jayden sa kanya. “Kukuha ng makakain,” sagot niya na hindi ito hinaharap at nagpatuloy nang pumunta sa kusina. Naghanda siya ng pagkain, para lang sa sarili niya. Wala naman siyang pakialam sa lalaking kinakarma na sa lagnat doon sa kuwarto. Galit siya dito. Pero hindi naman siya ganoon ka-manhid para hindi maalala na dati din siyang inalagaan nito noong nagkasakit siya. Gabi-gabi ring nasa bahay nila si Jayden para ipagluto siya. At isa rin iyon sa dahilan kung bakit niya lalong nagustuhan ito, dahil naging maalaga din ito sa panahong may sakit siya. Pero ngayon, alam niyang kasama lang iyon sa plano upang makuha nito ang loob niya. Marahil nga nagwagi na si Jayden sa plano dahil hindi pa man siya nito iniiwan ay abot-abot na ang sakit na nararamdaman niya. Nasasaktan pa rin siya. Simula sa una, siya lang pala ang nagmamahal. Siya lang ang totoong nakaramdam ng kilig. At alam niyang siya lang ang umasa sa magandang future nila. Pero, hindi na niya mababago ang damage na dinulot ni Jayden. Ang kaya na lang niyang gawin ay saktan na lang din ito. Kung natalo siya nito, hindi niya hahayaang hindi rin ito makaramdam ng pagkatalo at pagkabigo. Kumuha ulit siya ng ready-to-eat na soup sa kusina. “Kain na,” pag-aalay niya kay Jayden na sumunod naman sa kanyang bumangon at umupo. Sinubuan niya din ito. Iniiwas niya ang tingin kay Jayden kahit pa alam niyang titig na titig ito sa kanya. Kaya’t nang hindi na ibinuka ni Jayden ang bibig nito sa pagsubo niya, hindi niya naiwasang tingnan ang mga mata nito. “Salamat my gorgeous nurse,” ngiti nito sa kanya. Kaagad naman siyang yumuko at naibalik ang hawak na kutsara sa mangkok. “Ikaw,” pingot niya sa tenga ni Jayden. “Ano bang pumasok sa isip mo at pumunta ka pa dito? Nagpapakitang gilas ka ba talaga?” “Alam mo namang hindi kita matiis.” “Talaga?” plastick niyang ngiti. “Pwes, hindi ka water proof. Walang exempted sa sakit, pati sa karma! ‘Di ba? Kung ako sa’yo magpapagaling talaga ako para mas mapagpatuloy ko pa ‘yung mga plano ko sa buhay.” “Ano naman ‘yung mga plano mo?” “Marami! Ikaw, ano bang plano mo... sa’kin?” pasimple niyang pag-uungkat kahit na alam niyang hindi naman nito sasabihin ang mga narinig niya. “Marami din!” tipid lang na sagot naman ni Jayden. “Of course, yan naman talaga ang sasabihin mo.” Nagpatuloy lang si Clarie sa ginagawa niyang pag-aalaga kay Jayden kahit pa sa likod noon ay gusto niyang baligtarin ito. Iyon ang plano niya. Sisikapin niyang makuha din ng totoo ang loob nito at mahulog para sa kanya. Papaibigin niya ito at sa huli ay sasaktan. Wala na siyang pakialam kung maging isang palabas na lang ang relasyon nila dahil sa mata ng ibang tao at pamilya nila, nagmamahalan sila kahit na ang totoo they’re just both busy capturing each of their hearts for win. “O? Iba na naman ang password mo?” gulat na tanong ni Jayden kay Clarie nang hiramin nito ang cell phone ng girlfriend. Dinalaw siya nito saglit sa pinapasukan niyang kompanya. Inaya siyang mag-lunch malapit lang din sa kinakainan nila ng mga katrabaho niya. Bumalik na naman ang energy nito dahil humupa na ang lagnat. Kaya si Clarie mas dapat pa niyang galingan ang pag-arte. “Ah... Oo eh,” sagot niya na kumakain lang. “At bakit naman aber? May tinatago ka ba sa’kin?” taas-kilay nitong sita sa kanya. “Syempre wala! Akin na nga,” sabay kuha niya sa cell phone niyang hawak ni Jayden. “O ayan milohilo12, password.” “Tapos bukas iba na naman? Anong trip ba yan ha Clareng?” “Asus...” sabay pingot ni Clarie sa ilong ni Jayden. “Don’t worry for security lang talaga. Hindi naman ako kagaya ng iba dyan na may mahabang panahon na palang nililihim.” “Ako bang pinaparinggan mo?” Malamang! May iba pa ba?! “Bakit? May mahabang panahon ka bang nililihim?” “Wala,” irap ni Jayden. Mahirap pala ang naisip niya. Pakiramdam niya nagmumukha lang siyang tanga. Paano ba siya makakaganti kung parang wala lang ang kinikilos niya? Parang hindi siya nasaktan sa narinig niya sa mga pag-uusap ng mga kaibigan nito. Ito siya ngayon nakikipaglambingan pa sa lalaking niloloko lang naman siya. Ang tanging naisip lang naman niya ay ibalik lahat kay Jayden ang mga ginawa nito sa kanya. Paiibigin lang din niya ito at iiwanan. Malapit na siyang matapos sa kinakain nang makita niyang paalis na si Bench sa di-kalayuan, tapos na rin itong kumain at alam niyang babalik na iyon sa office nila. Kaya kaagad na siyang tumayo at kinuha ang cell phone niya kay Jayden na naglalaro lang naman doon. Nauna na din kasing natapos kumain si Jayden. “Ah Jayden-aalis na ako ha,” sabay sabi niya. “May kailangan pa kasi talaga akong tapusin. Bench!” Nilingon naman siya ni Bench at kaagad na niyang iniwan si Jayden. Alam ni Clarie masakit iyon kay Jayden. Basta na lang niya iniwan ang boyfriend at hindi man lang siya nakapag-paalam ng maayos bilang isang girlfriend. Tama lang iyon para sa kanya. Nararapat lang ang sakit kay Jayden ngunit, bakit pati sa loob niya’y kumislot din ito? Sinikap niyang hindi lingunin ito at nagmadali nang lumakad na nakahawak pa sa braso ni Bench. Ikinagulat naman iyon ng lalaki. May pagmamadali ang pag-akay ni Clarie. At ang dahilan naman niya sa ginawa niyang iyon ay pag-iwas lang na maabutan pa sila ni Jayden kung hahabol ito sa kanya. “Clarie,” pansin ni Bench nang makaakyat na sila sa corridor. Bigla namang tinanggal na ni Clarie ang pagkakapit niya sa braso ni Bench. “Sorry, Bench.” “Bakit mo ginawa ‘yun? Nandoon pa at nakatingin ang boyfriend mo di’ba?” Biglang nakaramdam si Clarie ng panic. Hindi niya alam ang idadahilan. Masasabi niya bang gusto lang niyang pagselosin si Jayden dahil iyon talaga ang kinahihimutok nito? Hindi na siya talaga nakasagot kaya naman tinitigan siyang mabuti ni Bench. “Hindi ka naman iba sa akin Clarie,” kausap nito sa kanya. “Sana ikaw din sa akin. Handa akong makinig. I’m good in listening, remember?” Alam ni Clarie iyon. Hindi lang mga tunog ng instruments ang kayang ipahula ni Clarie sa lalaking ito, maging sa pagpapayo ay magaling rin ito. Alam niya iyon dahil nakikita niya iyon kung paano ito nagtatrabaho. Maging sa mga kasama nilang empleyado magaling itong magbigay-payo. “Ah, kasi Bench... niloko lang ako ni Jayden.” Kinuwento niya lahat kay Bench. Pati na rin ang plano niyang saktan ito ay hindi niya pinalagpas sabihin. Kahit na komportable siyang sinasabi ito dito naroon pa rin ang napakasakit na epekto nito habang binabanggit na naman niya. Tinuring na rin niyang kaibigan si Bench kaya’t alam niyang mapagkakatiwalaan niya iyon. “May pabor nga sana ako sayo. Kailangan talaga kita para magawa ko ang mga ‘yun,” sabi niya kay Bench na nakikinig pa rin sa kanya. “Anong klaseng pabor?” sagot nito. “Help me... We’ll make him feel jealous.” “Paano mo siya pagseselosin kung hindi ka naman niya talaga mahal? At kung minsan na niya akong pinagselosan, what if that was another part of his plan?” That’s another struck of thruth to Clarie. Bahagya siyang pinanghinaan. At ang sakit unti-unti na namang sumasariwa. Hindi niya maipaliwanang kung bakit pakiramdam niya’y parang totoo talaga ang mga pagseselos na iyon ni Jayden. Nakita niya iyon sa mga mata nito. Tanging ito lang naman ang pinagkatiwalaan niya, ang mga matang iyon ni Jayden na sa bawat kislap alam niyang iba-iba rin ang binabalak. “Gagawin pa rin natin,” matapang niyang sagot. Kahit anong mangyari gagawin niya iyon. Hindi naman nabigo si Clarie sa paghingi ng pabor dahil pumayag naman si Bench sa mga plano niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD