Chapter 13

1116 Words
Pinalampas na lang ni Jayden ang ginawa ng kasintahan noong iniwan na lang siya bigla dahil na rin sa rason nito. Bumawi naman din kasi ito sa kanya. Sa katunayan mas naging sweet pa nga ito sa kanya. Kung dati siya ang gumagawa ng move sa paglalambing sa girlfriend, ngayo’y ito na ang nagsisimula. Niyayakap siya nito, hindi nawala ang pangingiliti, at hinahalikan na rin siya nito sa pisngi. Pero napansin niyang sa tuwing matapos nitong bigyan siya ng smack ay bigla na lang din itong tatalikod at iiwanan siya. Hindi normal sa loob-loob niya. Kutob niyang may ibang nangyayari kay Clarie. Una na ngang sumagi sa isip niya na baka sinapian yata ito ng possessive at romantic na mahiyaing multo dahil nga sa tumatalikod na lang ito matapos ng mga moves na iyon. Isa pa sa napansin niya, alam niyang maganda na ang hubog ng katawan ni Clarie kahit pa simple lang ang mga suot nito. Pero kapag ang taong may sexy body ay nagsuot pa ng mga sexy clothes posible bang makaiwas sa pagkakasala ang nakakakita dito? In case of Jayden, hindi niya naman iyon inabuso dahil alam niyang may tamang panahon sa mga naiisip niya. He’s naughty, yes, but he also knows his limitation of it. Hindi rin nakaligtas sa mga mata niya na maabutang ilang gabi ring nakikita niya si Bench sa bahay nila Clarie. Nakikisaya itong nakikipagkuwentuhan sa pamilya ng kasintahan. Sa hindi niya maintindihang kadahilanan kung bakit pumupunta ang lalaking iyon kay Clarie, isa lang ang sinisigurado niya. Hindi siya makakapayag na may umaagaw sa babaeng kanya na. At ngayon hindi bukal sa loob niya na nagpaubaya pa siya dahil lang sa request ni Clarie sa kanya. Sa totoo lang hindi lang naman siya ang kinausap nito sa request, pati si Manager Tris ay kinulit rin nito na ginatungan din ni Paul. Nakiusap si Clarie at Paul na kung pwede ay si Bench ang kumanta sa gabing iyon. Tumatanggap naman ang Colser ng mga applicant for bands and soloist na sa studio ginaganap tuwing umaga pero ang hinihingi ng dalawa ay on the spot na performance. Kaya naman kahit ayaw ni Jayden ay pumayag na rin siya maging si Manager Tris dahil na rin sa pangungulit ng dalawa. Nangako naman ang mga ito na hindi mabibigo ang mga manonood sa gagawin ni Bench. “Doon muna ako sa gawi doon ha?” paalam sa kanya ni Clarie at pumunta iyon gawi sa unahan at nilabas pa ang cell phone nito. Naisip ni Jayden bakit ba kailangan maging supportive pa ang girlfriend niya sa lalaking iyon? Seryoso ba itong kukuhanan pa ng video si Bench? May iba talaga sa mga ikinikilos ng girlfriend niya at alam niya iyon. Alam nito ang mga ayaw niya ngunit bakit ginagawa pa rin ng babae ang mga iyon. Natandaan ni Jayden na minsang sinabi nito sa kanya na ayaw nitong nagseselos siya. Pero si Clarie ang gumagawa ng dahilan para magselos siya ngayon. Hindi niya naiwasang mangamba dahil baka nahulog na pala ito sa iba. Ano ba ang gagawin niya kung sakaling iyon nga ang nakikita niyang mangyayari? “My life is brilliant, my love is pure I saw an angel of that I’m sure She's smiling in the subway She was with another man...” May kutob na talaga si Jayden na tipo ni Bench si Clarie. Napatunayan niya nga ng sandaling iyon. Kumakanta ito at si Clarie ang tinitingnan kasabay pa ang kinakanta nitong may lyrics na ‘You’re beautiful...it’s true’. Nang tingnan naman niya si Clarie ay hininto na nito ang pagkuha ng video at sa halip ay pinapanood na si Bench. Nakikipag-ngitian pa rito. Wala naman siyang nagawa kundi ang magpigil ng sarili. Ayaw niyang gumawa ng eksena. Mamaya na lang paglabas nila. At natapos nga ang kanta. Pero ang isip niya may sariling kinanta, SHE will never be with you. Natapos iyon na nakatanggap si Bench ng malalakas na palakpakan. Kaya naman nagpasalamat siya sa mga ito at special mention pa sa microphone ang pangalan ni Clarie kaya lalong naghimutok si Jayden sa gilid ng stage. “Bench pwede ba kitang kausapin?” tawag ni Jayden nang makababa si Bench ng stage. Tumango naman ito. Abala naman si Clarie na nakikipag-usap sa ibang mga manonood roon na sa tingin ni Jayden ay binibida na ang ka-trabho nito sa mga iyon. Kaya’t inaya niya na si Bench sa labas. “Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?” kompronta niya kaagad kay Bench nang makalabas sila. Walang gaanong tao kaya alam niyang malaya niyang masusuntok ito sa mukha kung hindi maging maganda ang resulta ng pag-uusap nila. “Bakit? Huwag mong sabihin na-te-threaten ka sa’kin? Wala iyon Jayden, enjoyment lang naman yung pagkanta ko. You’re still the Colser’s heart throb guitar man!” “Wala akong pakialam sa pagkanta mo. Actually, tama lang pala ang kinanta mo. Pag-mamay-ari na ng iba ang gusto mo kaya pabayaan mo na siya.” “So, si Clarie pala ang tinutukoy mo?” “Oo!” “Jayden! Bench!” Napalingon silang dalawa sa tumawag, walang iba kundi si Clarie. “Anong ginagawa niyo dito sa labas?” tanong nito nang makalapit sa kanila. “Ah-wala naman!” sagot kaagad ni Jayden at inakbayan na niya si Clarie. “Halika na sa loob, girlfriend.” Pero kahit na inaakay si Clarie ni Jayden ay lumilingon pa rin si Clarie kay Bench at maya-maya’y umalis na ito palayo sa Colser. “Sabihin mo nga Jayden,” pigil ni Clarie sa braso ni Jayden nang pauwi na sila. “Ano bang sinabi mo kay Bench at umuwi na lang bigla?” “Wala. Ano bang dapat sabihin?” pagsisinungaling ni Jayden. Inirapan lang siya ni Clarie at inunahan siya sa paglalakad. “Clareng! Ano, mang-iiwan ka?” Pero hindi na siya nito pinapansin. Alam niyang galit na ito kaya naman hinawakan niya ang kamay nito at hinila paharap sa kanya. “Sinabi kong lubayan ka niya,” pag-amin ni Jayden. “Ano?!” salubong na kilay na tugon ni Clarie. “Bakit? Siya na naman ba pinagseselosan mo? Palagi mo na lang ba mararamdaman yan?!” “Dahil halata siya! Gusto ka niya. Hindi mo ba maramdaman?” “Hindi! Praning ka lang. Dati kaklase ko, ngayon pati ka-trabaho pag-iisipan mo pa!” Nagtataasan na nga ang boses nila. “Baka naman... gusto mo na rin siya?” diretsang tanong ni Jayden sa kanya. Malumanay iyon pero nanghihingi ng totoong kasagutan ang tono. Natahimik si Clarie. Yumuko. “Bakit hindi ka makasagot?” “Hindi ko alam!” malakas na sabi nito sa kanya nang iangat ang mukha. “Huwag kang mag-alala. Bilang isang matapat na girlfriend, ikaw ang unang makakaalam kung mangyari man yun.” At iniwan na siya nito mag-isa. Walang ibang hiniling ng mga oras na iyon si Jayden kundi sana umulan ng napakalakas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD