Chapter 14

1589 Words
Hindi alam ni Clarie kung sisipot pa ba siya sa usapan nila ni Jayden. Kahit na hindi maganda ang mga binitawan niya dito noong nakaraang gabi ay nakuha pa rin siyang suyuin nito. Kaya naman lalo lang niyang napatanuyan na sa ginawa niyang iyon ay desidido talaga si Jayden na paglaruan lang siya at patuloy na kuhain ang loob niya. Ngunit umasa din siya ng kaunti na totoong selos ang naramdaman nito sa ginawa nila ni Bench. Kung ang pagbabasehan niya ay ang mga mata nito, nagselos iyon. Pero kung sa utak nito ay puro panggap lang, hindi niya alam. Hindi niya lubos maisip kung paanong hindi niya nalaman at nahalata ang mga pagpapanggap ng lalaki noong una. Magmula sa kung paano siya nito nabighani sa pagtugtog at pagkanta, sa mga panunuyo at pagpapatawa, maging sa mga pinagsaluhan nila bilang magkasintahan. Naisip niyang hindi lang basta isang rocker si Jayden, isa rin itong magaling na aktor na dapat bigyan ng best actor award. Pero sa tuwing maaalala niya ang mga sinabi ni Jayden na paiibigin lang siya at sasaktan sa huli, halo-halong masasakit na emosyon ang nag-uunahan para maramdaman niya. Kung dati’y walang mapaglagyan ang saya niya, ngayo’y unti-unti siyang pinapahirapan ng sakit ng mga alaala. “Napakasama mo Jayden,” nasabi niya habang hawak ang cell phone. Muli siyang nagsimulang mag-record sa recorder ng cell phone. Mula nang sagutin niya na si Jayden at maging opisyal na ang relasyon nila ay ginawa niyang magkaroon ng sariling diary, an audio diary actually. Tinatamad siyang magsulat noon at nang makita niya ang cell phone ng mga oras na iyon ay naisipan niyang i-record na lang. Mas makatotohanan pa para maiparamdam ang feelings niya. “Napakasakit...” iba na ang garalgal ng boses niya. Kahit anong sandali iiyak na naman siya. Wala naman siyang pakialam dahil mag-isa lang naman siya sa sanktuwaryo niya. “Bakit ako pa? Bakit? Hindi ako makapaniwala hanggang ngayon. Niloko mo lang pala ako. Pinaglaruan. Ginamit. Ginantihan! Nang marinig ko kayo ng mga walang hiya mong kaibigan gusto kitang sugurin, suntukin, hanggang sa maibuhos ko lahat ng galit sa’yo. Pero hindi eh! Nakakapanghina ang mga sinabi mo.” Gusto niyang tawagan ang kuya Caloy niya o kaya sabihin na lang lahat sa Tita Melly niya at kay Clover ang mga dinadala niya. Pero hindi niya kaya. Ayaw niyang mag-alala pa sila. Sapat nang nariyan si Jessie at Bench na nakakaintindi sa kanya. Ipagpapatuloy pa rin niya ang plano nila ni Bench anuman ang mangyari. Kahit pa ang totoo’y hindi niya alam kung paano nga ba niya ito masasaktan dahil mukhang tinraydor din siya ng sarili niyang damdamin. Wala naman siyang ibang ginusto kundi si Jayden lang kaya siya sobrang nasasaktan. Sariwa pa rin ang sugat sa puso niya kahit ilang araw na ang nagdaan. Ngunit sa kabila ng lahat ng sakit at lungkot, nanghinayang siya ng labis sa relasyong nabuo nila. Kahit na sa likod noon ay kasama ang motibo ni Jayden na maghiganti lang at manakit ng inosenteng babae. “Minahal kita... At napakasakit dahil mahal na mahal pa rin kita... Ang tanga ko di’ba? Sana hindi na lang totoo ang mga sinabi mo. Sana hindi ko na lang nalaman. Kung mas naiparamdam ko pa siguro nang mas maaga ang nararamdaman ko, baka sakaling suklian mo din ‘yun ng totoo. Wala nang panloloko.” May isang oras pa bago ang oras na pinagkasunduan nila ni Jayden. Nagpaalam siyang mag-undertime sa opisina dahil wala talaga siya sa kondisyon na magtrabaho. Pinayagan naman siya ni Bench kahit na iba ang dinahilan niya rito. Nagdesisyon siyang pumunta sa isang park na malapit sa dating university niya. Ito ang tagpuan nila ngayon ni Jayden. Nakarating siya kaagad ng mas maaga ng bente minutos sa oras ng pagkikita. Maya-maya nga’y natanaw niya ang isang itim na kotse na pumarada sa may unahan ng park. Nagulat siya nang makitang si Jayden ang bumaba mula sa kotseng iyon. Magmamayabang lang siguro kaya nakipagkita. Nainis siya sa naisip. Kaya naman habang hindi pa siya nakikita ni Jayden na pumuwesto sa gawing unahan ng park ay nagpadala siya ng text message dito na hindi na siya makakapunta dahil sa biglaang meeting sa office. Dahilan lang niya iyon upang inisin ang lalaki. Mabuti na lamang at nasa may bandang dulo siya kaya’t hindi siya napansin nito. Pinagmamasdan niya lang ito. Maya-maya pa’y tumatawag na si Jayden sa cell phone niya. Hindi niya sinagot at hindi rin naman din niya pinindot ang end call. Nang nawala na, ay nagpadala naman ng text message ito sa kanya na nandito na ito sa park na may sad face pang kasama sa message. Maya-maya’y nakita niyang may ibang babaeng dumating at nilapitan si Jayden. Nang titigan niyang maigi, si Tessa iyon. Nag-uusap sila at sabay pang pumunta sa isang upuang kahoy roon at umupo. Pakiramdam ni Clarie biglang umiral ang pagiging strict girlfriend niya sa nakitang iyon. Kaagad niyang tinawagan si Jayden at sinagot din naman nito ang tawag. “Hindi lang ako nakapunta, may substitute na kaagad?” bungad niya na may pait ang boses. “Ha?” taka namang tanong ni Jayden na biglang luminga-linga sa paligid. Agaran din siyang tumalikod. “Nandito ka ba sa park?” “Wala! May... may nakapagsabi lang.” “Tapos na ba ang meeting? Pwede ka pang humabol, maghihintay ako dito.” Biglang nakaramdam si Clarie ng irita dahil hindi na niya alam ang isasagot. Wala na siya sa mood para makipagkita talaga kay Jayden. “Bakit nakatalikod ka?” tanong ni Jayden nang hindi na siya nakasagot. Inulit niya sa isip ang sinabi ng kausap na kaagad din niyang inilingon. At sa pagharap, si Jayden ang nakita niya. Seryoso ang mukha. “Kanina ka pa siguro dito,” sabi nito sa kanya na ibinaba na ang cell phone mula sa pagkakadikit nito sa tainga. “Sinusubukan lang kita,” sagot naman niyang seryoso rin ang mukha. “Bakit iniwan mo ‘yung isa mong ka-date? Baka lamukin ‘yun dun, makipag-break pa sayo.” Sa sinabi niyang iyon lalong naningkit ang mga mata ni Jayden. Kaagad siyang hinawakan sa kaliwang braso at hinatak palabas sa sulok na pinagtataguan niya. “Wala kaming relasyon, okay? Magka-trabaho lang kami kagaya ninyo ni Bench, understand? At yang si Tessa,” sabay turo ni Jayden kay Tessa na naiwang nakaupo sa unahan ng park. At parehas nilang nakitang may isang lalaking lumapit dito at inakay na si Tessa paalis. “Hinihintay ang manliligaw niya. Sa kasamaang palad, dito rin pala ang usapan nila. Okay na ba, Clareng?” Kaagad naman niyang binawi ang braso mula sa pagkakahawak ni Jayden. Hindi niya maintindihan kung bakit nagkakaganoon siya samantalang wala naman na dapat siyang pakialam sa lalaking ito. Nahihirapan siya sa mga ikinikilos niya. Gusto niyang saktan ang lalaking ito. “Still, not enough!” sagot niya. “Okay, labas na si Tessa. What about Karla? Sinabi mo wala ka ng feelings sa kanya? Tama! Kaya nga hindi mo ma-ikanta ‘yung favorite song niya. Ikaw na ang pinakamatapat na lalaking nakilala ko. Ang galing mong manloko.” Nagpreno na siya sa mga nilalabas ng bibig niya. Dahil kasabay noon ay para na rin niyang sinasaksak ang sarili sa bawat salitang sinasabi niya kay Jayden. Kahit siya nasasaktan din. “Umuwi na tayo,” nasabi ni Jayden at hinatak ulit ang braso niya. Nagpumiglas siya pero mahigpit ang hawak sa kanya. Hindi na siya tumanggi ng pinasakay siya nito sa dalang kotse na hindi niya alam kung kanino hiniram. Wala rin namang epekto dahil hindi rin ikinagaan ng loob niya ang pagsakay sa sasakyang iyon. Nang nasa loob na wala ng imikang nangyari bukod sa nagsalita si Jayden na gusto lang nitong makauwi at maihatid siya ng maayos. At kaagad ding nag-sorry sa mahigpit na pagkakahawak sa kanya. Seryoso ang mukha ni Jayden na alam ni Clarie na sa loob nito’y nasaktan niya ito ng husto. Iyon naman talaga ang nais niya, ang masaktan ito gaya niya. Ngunit bakit? Ibig bang sabihin, mahalaga siya dito? O nasaktan lang ito dahil inungkat na naman niya si Karla? Nang maihatid na siya ni Jayden sa bahay nila kaagad siyang umakyat sa kuwarto. Kakalubog pa lang ng araw. Narinig niyang umandar ulit ang kotse ni Jayden at umalis. May pupuntahan pa marahil, sa isip ni Clarie. Pakiramdam niya hindi siya makahinga sa loob ng kuwarto niya. Ang bigat ng dinadala niya. Gusto niyang pagaanin ito at sandaling makalimot at kung papalarin ay maging manhid man lang kahit sa gabi lang na iyon. Tinawagan niya si Bench at inaya niyang samahan siya nito. Nag-alibi din siya sa Tita Melly at sinabing magpapa-relax lang siya sabay hawak sa buhok. Hindi naman iyon tumutol dahil ang akala’y sa parlor ang punta niya. Alam niyang mali ang magsinungaling lalo’t ang taong iyon ang isa sa pinagkakatiwalaan niya. Pero nangako siya ditong mag-iingat siya. Nang nasa isang bar na sila ni Bench di kalayuan sa kompanyang pinapasukan, malakas na ang tama ng alak sa kanya. Hindi na maayos ang pananalita maging ang kilos niya. Palagi nitong sinasabi kay Bench na, ang sakit-sakit ng puso niya kasabay ang aksyon nitong paghampas din sa sariling dibdib. Ilang beses din siyang inalalayan ni Bench sa mga ginagawang pagsipa sa upuan at paghampas sa mesa. Pinigil din siya nito sa napaparaming iniinom ngunit hindi talaga nagpatalo si Clarie. “Jayden,” tawag ni Bench gamit ang cell phone ni Clarie. “Sino ‘to? Bakit gamit mo ang cell phone ni Clarie?” sagot naman ni Jayden. “It’s Bench, Jayden. Accidentally, nalaman ko ang password niya kanina lang. Clarie, needs you. Bilisan mo. Nandito kami sa bar malapit sa company.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD