Chapter 16

952 Words
Nang bumangon si Clarie, napakasakit ng ulo niya. Pero habang nagiging aware na siya sa paligid niya sana’y ulo na lang ang sumakit sa kanya huwag na pati ang puso niya. Pagkababa mula sa kuwarto, bigla siyang nag-alala. Uminom siya kagabi at alam niyang yari siya sa babaeng kaharap kahit na hindi niya alam kung sino ang naghatid sa kanya pauwi. “Sinabi ko na kay Caloy ang ginawa mo,” bungad kaagad ni Tita Melly sa kanya na naghahaing na ng tanghalian sa mesa. Gustong magprotesta ni Clarie kung bakit sinabi pa nito iyon. Ayaw niyang sumugod ang kuya niya dito dahil tiyak niyang sesermunan lang siya nito. “Ganoon po ba?” malumanay niyang sagot. Ngunit wala siya sa kondisyon para makipagtalo pa. Kung mayroon man siyang magandang araw mula nang masaktan siya kay Jayden, ito na ang araw na iyon. Kaunting kumalma ang kalooban niya at huminto ang sakit. Mabuti na lang pala uminom ako kagabi. “Ano na naman bang nangyari, Clareng? Sabi ni Jayden kasalanan niya daw. Anong ba ang ginawa niya?” “Ano po? Siya ba ang naghatid sa akin?” gulat niyang tanong na napatigil sa pag-inom ng tubig. “Oo. Hindi ba siya ang dapat maghahatid sa’yo?” titig na tanong naman sa kanya ng tiyahin. “Ah...” “At sabi mo mag-paparelax ka. Nakapag-relax ka naman ba, ha?” Napangiti siya sa tiyahin. Nilapitan niya ito at niyakap. “Sorry talaga, Tita. Hindi ko na siguro kinaya kaya nagawa ko ‘yun. Pero, okay na po ako. At magiging maayos rin ang lahat. Pangako.” Iyon talaga ang balak ni Clarie. Ang kaayusang nais niya ay ibig sabihin na rin na tapusin na ang relasyon nila ni Jayden. Sa tingin niya, makakaya na niyang gawin na makipagkalas dito. Iyon ang dapat dahil lalo lang siyang masasaktan at patuloy na magiging tanga kung hahayaan niyang magpatuloy pa sila sa kalokohan nila. “Ikaw bata ka talaga. Humanda ka sa kuya mo pagpunta niya. Isu-surprise ka na lang daw niya!” “Baka siya pa ang ma-surprise pagdating niya!” Tiyak niya iyon. At baka matuwa pa nga ang kuya Caloy niya kung malaman nitong single na ulit siya. Inaasahan naman niyang siya ang mauuna sa park. May tugtog ang Colser Sirens ng gabing iyon pero sinabi niya kay Jayden na importante ang sasabihin niya. Nagprisinta iyon na sa cell phone na lang sabihin ngunit tumanggi siya. Gusto niya personal. Iyong makikita niya talaga sa mukha nito ang reaksyon sa pagtatapos ng panloloko nito sa kanya. Hindi nagtagal dumating na si Jayden dala pa rin ang kotseng iyon na kumpirmado niya nang pag-aari nga nito. Iyon ang masayang ibinalita sa kanya ni Tita Melly niya bukod sa pagtatanong ng problema sa pagitan nila. Hindi naman siya nagulat na makakabili iyon ng sariling kotse dahil bukod sa masipag ito sa career ay alam niyang may kaya rin naman ang pamilya nito. “Clarie,” tawag kaagad sa kanya ni Jayden. Hindi niya naiwasan matitigan ang mga mata nito. Inamin niya sa sarili na na-miss niya iyon, kung paano siya titigan nito. Puno ng pagkagusto. Gaya ng oras na ito. “Jayden,” sambit din niya. Bigla’y parang nautal siya sa mga dapat niyang sabihin. Nagdalawang-isip siya kung sasabihin pa ba niya o hindi na lang. Ngunit may sumisigaw sa loob niya na kailangan niyang sabihin dahil iyon ang magpapagaan ng lahat ng dinadala niya. Iyon ang tatapos sa plano nila parehas. Masakit, pero iyon ang parehas na makakapagpalaya sa kanilang dalawa. Kakawala na siya sa kalokohan at p*******t ni Jayden, ganoon din ito sa kanya. Patas na sila. “Anong importanteng sasabihin mo?” “Ayoko na,” nakayuko niyang sagot. “Anong ayaw mo na?” “Itigil na natin ang relasyon natin dahil... dahil may iba na akong gusto.” “Si Bench ba?” agarang tanong ni Jayden sa kanya. Hindi na siya nagulat na si Bench ang naisip nito. “Oo!” sagot niya na iniangat na ang ulo sa pagkakayuko. “Siya na ang gusto ko. Wala na akong... nararamdaman sa’yo. Hindi ko alam kung kailan at paano ko siya nagustuhan. Basta naramdaman ko na lang. At isa pa, sigurado akong hindi siya kagaya ng iba na manloloko at manggagamit!” “Pero-” “Alam ko na lahat ng plano mo! Ang sama mo. Lahat pala palabas mo lang. Napakagaling mo!” matatag niyang sabi na pinipigil ang luha. Gusto niyang ipakita dito na hindi siya mahina, na hindi ito kawalan sa kanya. “So I guess plano mo rin namang masaktan ako di’ba?” pagtaas ng kilay nito sa kanya na ikinagulat naman din niya. “Hindi ako katulad mo. Come back to Karla if you want. Just leave me and Bench,” matigas niyang sabi at tumalikod. “Let’s have a truce!” habol ni Jayden kaya’t napahinto siya sa pag-alis. “Paano ako nakakasigurong hindi ka rin naghihiganti sa akin?” “Huwag mo ngang baliktarin ang sitwasyon! Ikaw ang manloloko!” duro niya dito. Galit na siya ngunit ang kausap niya sa tingin niya’y kampante lang. Kailangan niya ng kaunting kontrol sa sarili. “Gaya ng sinabi ko, let’s have a truce. Ititigil na natin ang higantihang ‘to and I’ll give way to that man na nakahigit ng karisma ko. But, prove it first that you don’t love me anymore.” Napatitig siya kay Jayden. Hindi niya malaman kung bakit sinabi nito ang mga iyon. Anong klaseng pagpapatunay ba ang hinihingi nito sa kanya? Pero kahit ano pa man iyon, gagawin niya. Hindi siya papatalo rito. Hindi niya hahayaang malaman nitong naghiganti rin siya dito. Isa lang dapat niyang gawin, ang patunayang hindi na talaga niya iyon mahal. Patunay niya rin sa sarili kung tama nga ba ang naging desisiyon niya. “I’ll prove it to you,” matapang at diretsong sagot niya sa mga mata nito. “Then... Kiss me.” Nag-panic ang buong kalamnan ni Clarie sa narinig. Natulala siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD