Chapter One
Chapter 1
Nakatayo lang at nagmamasid si Hazel sa tapat ng Club X. Isang restobar na ika niya'y makakapawi ng lungkot na nararamdaman niya sa mga sandaling iyon.
Hindi sakit mula sa pag bogus sa kaniya ng customer na um-order ng sampung overrun shirts bagkus sa kaniyang nag-aagaw buhay ng pag-ibig.
"Sa dinamirami ng tagpuan, dito pa talaga sa Club X. Hindi mo rin naman pala ako sisiputing hunghang ka edi sana sinabi mo nalang ng maaga! Alam mo bang nag special ride ako papunta dito! Punyeta ka!"
Chat niya sa customer na nakilala niya lang online. Binalik niya ang tingin sa restobar, at lakas loob na pinasok ang lugar kahit alam niyang masakit sa bulsa at hindi niya afford ang alak mula roon.
Naglalakasang tugtog at patay sinding mga ilaw ang sumalubong sa kaniya. Napabuntong hininga siya sabay tingin sa nakasupot na damit na akala niya'y pera na. Hindi pa pala.
"Sorry po, sorry po talaga." Sa kabila ng malakas na tugtog ay narinig niya ang babaeng crew na humihingi ng paumanhin sa lalaking naka-hoodie jacket at tinutulungang punasan ang nabasang suot nito.
Pinapanood niya lang ang dalawa sa ginagawa nang mapansin ng singkit na lalaking naka-facemask ang prisensya niya. Nag-iwas naman siya agad ng tingin at naibaba ang tingin sa supot na dala.
"Taray naman, makakabenta pa nga." bulong niya sa sarili saka nilapitan ang dalawa.
"Sorry po talaga, sir."
"Miss, ako na ang bahala dito. Bumalik ka na sa trabaho mo." Ang lakas ng loob niyang sabihin iyon. Ni hindi nga niya kilala ang dalawa. Basta ang sigurado lang siya ay maialok ang damit sa singkit na lalaki.
"Do I know you?" tanong ng lalaki nang makaalis ang crew.
"Nope. Pero, masyadong malamig sa lugar na 'to. Let's say na concern lang ako at baka sipunin ka kung magpapatuyo ka."
Simula niya sa pangbu-budol sa lalaki. Hindi niya mabasa ang reaksyon sa mukha nito dahil half face lang ang nakikita niya.
"May binibenta akong mga overrun shirt dito. Ang perfect lang kasi ng pagkakataon. Mura lang."
Sa kabila ng patay sinding mga ilaw at malakas na tugtog, sigurado siyang ngumiti ang mga mata nito. Dahil lalo iyong naningkit.
"Huwag mo kong tawanan. Seryoso akong naghahanap buhay."
"Seryoso bang nagbebenta ka ng mga reject na damit sa lugar na 'to?"
"Last time I check, parang gano'n na nga. Actually, double purpose nga. Dito ang meet up namin ng bwisit na um-order sa'kin niyan. Sayang naman 'di ba? Buti nalang at kukuha ka. Edi kahit papaano ay may benta."
Marahang kinuha ng singkit na lalaki ang supot na dala niya saka naglakad papunta sa pinaka malapit na mesa.
Tinititigan ni Hazel ang lalaki habang pumipili ng damit.
"Isang size lang yan. XL. Ang kapangitan lang, hindi mo ma-a-appreciate ang kulay ng damit dahil sa makulay na patay sinding ilaw na nandito."
"Kukunin ko na lahat."
"Wow! Uy, maraming salamat talaga! Napaka buti mo. Ayokong itanong kung nagbibiro ka ba, baka kasi nagbibiro ka. Basta nagpasalamat na ako sayo. 2500php lang 'yan. Napaka mura. 280 bigay ko diyan sa iba."
Narinig niyang tumawa ang lalaki saka hugot ng wallet sa bulsa nito.
"Here." ani ng lalaki na mabilis niyang hinablot.
"Kamsahamnida." Sabay yuko niya.
"Nabanggit mong double purpose ito. So ano pa iyong isa?" Curious na tanong ng singkit na lalaki na walang habas na naghubad sa harap niya at sinuot ang hindi pa nalalabhang damit.
"I'm not sure kung magkikita pa tayo mukhang hindi naman na. Sabi nila masarap mag-share ng kabobohan sa mga taong hindi mo naman kilala. Hindi mo naman ako huhusgahan 'di ba?"
Nagkibit balikat ang lalaki saka inagaw ang atensyon ng isang waiter.
Hindi niya alam bakit hindi na lumapit ang waiter basta naintindihan na ng waiter ang peace sign ng singkit na lalaki. Mukhang dalawa ang ibig sabihin no'n at ang madalas na ino-order ng lalaki.
"Ito 500, ambag ko." ani Hazel nang maintindihan na naka-order na ito.
"Sagot ko na ang inumin. Kwento nalang siguro ang iyo." ani ng lalaki saka parang nanindig ang balahibo niya sa nang-aakit na tingin nito.