Chapter 7

1954 Words
Ayen's POV: "Ang lapit n'ya na... pero bakit hindi ko pa rin ma abot, mala anghel mong ngiti... na sadyang hulog ng langit." Napa kunot ang noo ko ng mabasa 'yung huli nitong komposisyon. "Seriously, Rye Love song ulit?" puro na lang kasi Love song 'yung mga komposisyon n'ya at take note laging malungkot 'yung tono. "People live because of love. Everyone needs love, so its a love song." nag kibit balikat na lang ako habang pinag aaralan 'yung piyesa nito. Bigla naman akong nakaramdam ng pag ka ilang ng taimtim na nakatitig sa 'kin si Rye. Madalas kong napapansin 'yung pag titig n'ya sa'kin nitong mga naka lipas na araw. Kahit ilang linggo na rin ang lumipas mula ng camping at ng mag kita kami simbahan ay back to normal naman kami nitong si Rye. Kukulitin,aasarin at ko-kontrahin n'ya ko. Kaya naman madalas pa rin kaming nag tatalo at ako? lagi naman akong na pipikon sa ka n'ya but what makes it different is... he became sweet, caring, at take note pag inis na inis na ako sa ka n'ya sinusuyo n'ya na ako.May mga banat din s'ya na bigla ka na lang matatawa sa sobrang ka kornihan. Ang weird di ba? Muntanga lang kaming dalawa. Oo pati ako, nahahawa na kasi ako sa weirdohan n'ya. Gustong gusto ko kasi pag sinusuyo n'ya ko. Hindi na nga kumpleto ang araw ko pag hindi ko s'ya nakaka sabay sa Lunch o nakaka usap man lang. Kaya pati si Kei at si Range ay nakakasabay ko na rin. Actually dati ko pa naman sila nakakasama dahil favorite spot nga ni Rye 'yung favorite spot ko sa cafeteria but I became closer to Rye and Range, maliban lang kay Kei na aloof pa rin sa 'kin. Nalaman ko rin na inamin na ni Kei kay Rye 'yung totoong nangyari nung na sa camping kami and she also apologized to me but still she doesn't like me. "Ayen! Ryan!" napahinto ako sa pag tugtog ng dumating si Sir na may malapad na ngiti mula sa mga labi n'ya. "Naka usap ko 'yung ka kilala ko sa isang bar.Nagustuhan n'ya 'yung mga kantang ginawa mo." tuwang tuwa si Sir habang binabalita 'yon kay Ryan. Nakita ko naman 'yung kakaibang saya sa muka n'ya. Mas gwapo pala talaga s'ya pag ngumingiti. Parang ang sarap n'ya tuloy pag masdan. "Talaga po?" "Yes, sabi nito gusto ka daw n'ya ma meet and.." napahinto si sir at matamis na ngumiti sa 'kin. "Nagustuhan nito ang quality ng voice mo, Ayen. Na bagay na bagay dun sa kinompose ni Ryan. Kaya naman gusto nitong mag perform kayo sa bar n'ya." I was shock in surprise. I dream it everyday, to be a performer, to be a singer and now I'm on my way to it. "Its a good news." Hindi ko alam kung paano i e-explain 'yung kaka ibang sayang nararamdaman ko. Napalingon ako kay Rye at kita ko rin ang saya sa muka n'ya. I know he wait for this moment at sana hindi kami mabigo na ma abot ang pangarap namin. "You two are really meant for each other. Mukang tadhana na ang gumagawa ng paraan." May halong kalokohan na sabi ni Sir na kinatawa ko lang. Nagulat naman ako ng bigla akong hatakin ni Rye palapit sa ka n'ya at akbayan nito. Nag init 'yung mag kabila kong pisngi at nag wala 'yung puso ko sa di ma ipaliwanag na tuwa. Eto na naman s'ya. "Syempre sir kung walang song writer, walang singer. Walang singer, walang song writer. In short walang Ryan kung walang Ayen." Lalo naman bumilis 'yung t***k ng puso ko at pakiramdam ko tuloy ay sobrang pula na ng pisngi ko. Kinikilig ako sa sinabi n'ya. Did he mean that we are made for each other? Shocks! di kakayanin ng heart ko ang katamisan nitong si Rye. Kung dati ay na iinis ako sa ka hambugan n'ya ngayon para na akong kiti kiti na kinikilig sa ka n'ya. Natatawa namang tinapik ni sir si Rye sa balikat. "Its good to be hear, Ryan. You changed alot. I should thank Ayen for this." Marami kasi ang nag sasabi na mula nag transfer ako ay nagkaroon na ng social life 'tong si Rye. Aloof daw ito noon at tanging si Kei lang ang ka close n'ya. Nalaman ko rin naman na hindi n'ya Girlfriend si Kei. Mag kababata lang silang dalawa. Hindi ko s'ya ini-stalk, sadyang madaldal lang si Range at s'ya ang nag ku-kwento ng tungkol kat Rye. Nakakatuwa nga si Range para s'yang babae sa kadaldalan. "Mag thank you ka rin sa 'kin, Rye." biro kong sabi kay Rye na kinataas ng isang sulok ng labi n'ya. "I love you." para akong na bato sa sinabi n'ya. Pakiramdam ko ay may kung anong kuryente ang kumikiliti sa buong katawan ko. Lalo pang nag wala 'yung mga puso ko na halos tumalon na palabas mula sa dibdib ko. Pa ulit ulit ding nag re-replay sa utak ko 'yung sinabi n'ya. Joke lang naman n'ya yun diba? Dati n'ya pa sinasabi 'yun pag ini inis n'ya 'ko pero iba ngayon na aapektuhan ako sa bawat salitang binibitawan n'ya. Ka agad ko itong tinulak at inirapan.Bahagya akong dumistansya sa ka n'ya pero lapit ito ng lapit. "pwede ba lumayo layo ka nga. Ang init init dikit ka ng dikit." "Kinikilig ka lang sa'kin." kumindat pa ito na ikina ismid ko. Natatawa naman kaming pinag masdan ni Sir. "Tama na muna 'yang lambingan n'yo. for now, gusto ko umisip kayo ng isang pamilyar na kanta na tutugtugin n'yo para sa gig mamayang gabi." "Gig? mamayang gabi?" sabay pa naming tanong na kinatango ni sir. "Yeah, first step to your journey." Nag katinginan kami ni Rye at parang parehas kaming na bigla sa bilis ng mga pangyayari. This is it! Ito na 'yung pangarap ko. I have to give my best here. "Numb na lang." "Hindi ko kabisado piyesa n'yan. Beautiful in white na lang." "Duh! Ako kakanta tapos 'yung voice pang lalaki." "Edi gawin mong girl version." "Ayo--" "Tumahimik nga kayong dalawa. Na iingit ako sa inyo." sigaw ni Range sa 'min ni Rye. Nandito kami sa benches kasama si Range. Wala 'yung teacher namin kaya tumabay muna kami rito. Mula kanina ay pinag tatalunan na namin ni Rye 'yung tutugtugin mamayang gabi pero wala pa rin kaming mapag ka sunduan. Minsan din talaga ay hindi nag tutugma 'yung gusto naming dalawa. Metal Rock ang choice ko, s'ya naman mga classic at pop ang hilig n'ya. Tss! Bakla ata s'ya ee. "Alam n'yo lovers mag--aray! Nakaka ilan na kayo aa." simangot na knapakamot sa ulo si Range ng sabay namin itong hamapasin ng ruler sa ulo. Paano ba naman lagi kaming tinatawag na lovers. Ni hindi nga nanliligaw si Rye ee. Gusto mo naman man ligaw? Iwinilig ko ang ulo sa malisyosong na iisip ko. Gosh! Ayen, ang bata mo pa 'yan na agad ini isip mo. "Okay fine, PC ganito kasi 'yan." "PC?" sabay naming tanong ni Rye. "Perfect Couple." sabay kibit balikat ni Range. Ewan ko ba pero hindi na ako naka kibo dun. Mas magandang pakinggan ang Perfect Couple kesa sa Lovers. We can be a couple, hindi dahil lovers kami kung hindi partners kami sa lahat ng bagay. "Ryan, Hayaan mo ng si misis ang mag desisyon ng kakantahin n'yo mamayang gabi.Ikaw din baka hindi ka maka score n'yan."seryosong sabi ni Range na kinatawa ni Rye. Binatukan ko naman si Range sa naging reaksyon nito. "Bwisit ka! Tatawa tawa ka pa d'yan." "haha.teka--aray ko! Hindi naman ako nag sabi bakit--aray! ako 'yung sinasaktan mo? aray! ahaha." Simabunutan ko naman to at piningot pingot pa 'yung tenga n'ya. Naririnig ko naman 'yung malakas na pag tawa ni Range habang nag mamaka awa na itong si Rye. "Ma awa ka naman,Ai. Ganyan ka ba mag mahal? gustong gusto mo ko sinasaktan ee." "Hahaha. Tol, ma dugo ang honeymoon. Mag handa ka na." Pakiramdam ko ay namula ako sa sinabi ni Range. Bakit ba itong dalawa na 'to ang nakasama ko? Aasarin lang naman nila ko mag hapon. "Leche! mag sama kayong dalawa." Tatayo na sana ako para umalis ng hatakin ako ni Rye pa upo. Napatingin ako sa mga mata n'ya and again. Abnormality strikes me. "Wag ka na magalit. Mahal naman kita." Bigla namang na wala 'yung inis ko sa sinabi nito at kusa akong napangiti lalo na ng kuhanin nito 'yung chocolate sa bag n'ya. Di lang ako literal na mag kaka diabetes sa mga chocolates na binibigay n'ya araw araw, mag kaka diabetes din ako sa mga banat n'ya. "Ahem.. nag e-exist po 'yung pinaka gwapong nilalang dito. Baka pwede rin ako bigyan ng chocolate." singit ni Range. Nakita ko naman ni binigyan s'ya ng champee ni Rye. "Tang ina. Pag dating sa 'kin Champee na lang?" sabay naman kaming natawa ni Rye sa naging rekasyon ni Range. I know what I feel. Sana nga ganun din si Rye sa 'kin. Ayoko talagang mag assume pero hindi ko ma iwasan. Hindi man n'ya officially sinasabi sa 'kin na liligawan n'ya ko pero parang ganun na ang ginagawa n'ya. He always bought me a chocolate minsan pa nga ay may kasama pa 'yung tulips. Favorite ko kasi ang tulips kesa sa mga roses. Madalas din na ni lilibre n'ya ko ng lunch at snack. I don't know what would I feel. Kung mahihiya ba ako o normal lang naman 'yun, pero isa lang alam ko at ang sigurado ako. I like him. I don't know how and when. It just happen na pag gising ko sa umaga gusto ko na s'ya. "Ayen." nahinto naman kami sa pag kukulitan ng may tumawag sa 'kin.Ka agad akong napatayo ng makita ko si Theon. "Theon." "Pwede ba tayo mag usap?" seryosong tanong nito sa 'kin. Hindi ko mapigilang mapalingon kay Rye. Akala mo ay papatay na ng tao ang mga tingin nito kay Theon. Okay, na ga-galit ba s'ya? or nag se-selos? Nakakatakot kasi 'yung mga mata n'ya. Kita ko naman na tinapik s'ya ni Range kaya bahagya itong kumalma. "Ayen..." naghihintay naman sa sagot ko si Theon pero feeling ko si Rye ang kailangan n'ya tanungin. I don't want him to get mad at me. Oo, crush ko si Theon pero gusto ko naman itong si Rye. Hala! Salawahan ang puso ko. "a-ano k--" Napayuko ako habang nilalaro 'yung mga daliri ko. Gosh! kakausapin ka lang naman pero bakit pakiramdam ko hindi na ako loyal kay Theon. "go ahead." halos mapalundag ako sa malamig na boses ni Rye. Nilingon ko s'ya at nag iwas naman ito ng tingin. Pumayag nga s'ya pero nag bago naman ang mood n'ya.Tss! Tumango ako kay Theon at na unang mag lakad. "Salamat,Dude. Ibabalik ko rin naman s'ya." "meron lang kayong five mimutes para mag usap." Napa irap na lang ako sa naging usapan nilang dalawa. Possessive much? But deep inside hindi ko mapigilang mapa ngiti dahil sa ina akto n'ya. Kinikilig pa nga ako ng bahagya ee. Naramdaman ko na ang pag sunod ni Theon hanggang sa makarating kami sa Science garden. Umupo itonsa swing kaya umupo rin ako. Mesyo kinakabahan ako sa sasabihin nitong si Theon ee. Ito na ba yung matagal kong hinihintay? pero bakit ganun? feeling ko masyado ng huli para umamin s'ya na crush n'ya rin ako.Nagiging assumera na ako. Isang nakakabinging katahimikan ang na magitan sa 'min hanggang ang katahimikan na 'yun ay binasag ng nakaka binging tanong. "Mahal mo ba si Ryan?" _____ SNS Account: FB Account: Ash Sandejas Twitter: CreepyPervy Wattpad: CreepyPervy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD