DARIOZ DAKILA POV:
"OH! s**t ANG SARAP MONG BABAE KA!"
Napapasigaw ko pang sabi habang binabayo si Clara ang babaeng madalas ko na kasama sa tuwing nais ng aking katawan na ilabas ang init nito.
"f**k! Faster Babe! Lalabasan na ako."
I
Utos pa nito sa akin at lalo ko pang binilisan ang paglabas masok ng aking kargada sa loob n'ya.
Halos maumpog na ito sa edge ng kama dahil sa lakas ng pagkakabayo ko sa kan'ya.
"Aaah! Aahhhmm!" Ungol pa nito na halata naman na sarap na sarap ito sa aking ginagawa sa kan'ya.
Hanggang sa maramdaman ko na lang din na tila malapit na akong labasan. Agad kong hinugot ang aking p*********i. Dahil ayaw kong magkaroon ng obligasyon sa babaeng ito.
"Ang sarap." Mahinang sambit pa nito na napapadapa na sa kama. Dahil sa kanina pa kami dito at lahat ng style na gusto nito ay nagawa na namin. Ito ang gusto ko sa babaeng ito. Sobrang galing n'ya sa kama. Hindi naman ito bayarang babae.
Isa pa nga itong kilalang personality sa bansa. Isa itong kilalang artista na napakaraming endorsement at ang bawat series na pinagbibidahan nito ay talaga naman na inaabangan ng kan'yang fans. Ang hindi nila alam ay may lihim ito na nakikipagkita sa akin. Kahit pa nga sikat sila ng kan'yang kalove-team.
Mahihiga na sana ako sa tabi nito ng makarinig ako ng tunog ng aking cellphone.
Agad kong pinindot ang receive button,dahil ang tawag ay mula sa aking bestfriend na si Raymond.
Hindi ito tatawag ng ganitong oras kung hindi importante ang sasabihin nito. Ilang taon ko na din itong hindi nabibisita sa kan'yang lugar,dahil sa busy schedule ko. Bilang isang POLICE DEPUTY DIRECTOR GENERAL Pangalawa sa pinakamataas na ranggo sa kapulisan. Ang ranggo ko na pinaka-iniingatan ko na mabahiran ng kahit anong anomalya sa departmento namin. Alam ko naman na hindi lahat ay gumagawa ng tungkulin at madalas pa nga mga abusadon na pinaka-ayaw ko sa lahat. Iilan lamang ang mga nasa posisyon na ang layunin ay katulad ng sa akin. Marahas ako kung sa marahas. Lalo na sa mga taong ilang beses mo ng binigyan ng pagkakataon magbago,pero paulit-ulit pa din sa kanilang mga kalokohan.
"Hello Ray!" Bungad ko sa kan'ya.
"NINONG!" Pero imbes na ito ang sumagot ay tinig ng isang babae ang aking narinig mula sa kabilang linya.
"SIERRA!" Tawag ko sa kan'yang pangalan at napatayo na ako sa kama,dahil ramdam ko ang bigat ng pagkakabigkas nito ng Ninong.
"Umiiyak ka ba? Anong nangyari? At napatawag ka?"
Sunod-sunod na tanong ko sa kan'ya. Nag-iisang anak ito ng bestfriend ko at ang mommy nito ay namatay noong ipanganak pa lamang s'ya dahil may sakit sa puso ang mommy at hindi nito kinaya ang panganganak.
"Ninong si Itay po."
"Anong nangyari sa Daddy mo?"
Lalo ko pang binilisan ang aking pagbibihis. Iniipit ko lamang sa gilid ng balikat ko ang cellphone habang kinakausap si Sierra.
"Sino ba yan? Bakit nagmamadali ka naman d'yan DARIOZ?" Tila inis na tanong pa ni Clara sa 'kin.
"Si Sierra ang inaanak ko!" Walang kalambing-lambing na sagot ko sa kan'ya.
"H'wag ka naman umalis Babe, kadarating mo lang kanina. Aalis ka na agad?" May himig pagtatampong sabi ni Clara.
"Hindi ka pa ba nakuntento sa ginawa natin kanina? Halos wala na nga tayong pahinga."
"Please naman Darioz dito ka na lang muna. Ngayon ka lang nagkaroon ng oras sa akin, kaya naman sulitin na natin. Hayaan muna sila sa problema nila."
"Tumigil ka CLARA! Pupuntahan ko ang kaibigan ko at hindi mo ako mapipigilan." May diin na pagkakasabi ko sa kan'ya. At kita ko naman ang lungkot sa kan'yang mga mata,dahil sa aking sinabi. Kailangan ko itong sabihin sa kan'ya. Alam n'ya naman kung ano lang s'ya sa buhay ko. Simula ng namatay ang asawa ko. Dalawang taon na ang nakakalipas.
Alam kong naririnig ni Sierra ang usapan namin ni Clara. Hanggang sa matapos akong mag-bihis.
"Ninong si Itay po malubha ang lagay n'ya ngayon." Dinig ko pang sabi nito mula sa kabilang linya. Hindi ko alam kung anong nangyari sa bestfriend ko. Sobrang nag-alala ako para dito.
"Pupuntahan ko kayo d'yan. Huminahon ka Sierra at baka ikaw naman ang malagay sa hindi magandang sitwasyon. Alam mo naman ang lagay ng puso mo."
"Opo Ninong,basta pumunta ka na po dito at kailangan na kailangan ka ni Itay." Sagot nito sa akin na bagama't alam kong umiiyak pa din ito ay tila kumalma naman s'ya
Naglakad na ako palabas ng kwarto ni Clara at liparin ko na ang aking motor.
Narinig ko pa na nagsisigaw si Clara,pero hindi ko na ito pinag-ukulan pa ng pansin. Wala akong pakialam kung sirain n'yang lahat ng gamit n'ya dito sa sariling bahay naman nito.
Medyo malayo ang probinsya ng bestfriend ko. Dahil sa QUEZON' PROVINCE pa ito.Pero kaya naman itong motorin na madalas na ginagawa ko din noon. Madaling araw na din at hindi na ma-traffic.
*********
Hanggang sa halos limang oras ang aking naging byahe bago narating ang lugar nila. Dumiretso ako sa hospital na sinabi ni Sierra kanina at pagpasok ko pa lamang ay nakatingin na sa akin ang lahat. Suot ko lang naman ngayon ay simpleng maong nasa shorts at t-shirt na puti na pinatungan ko lamang ng aking jacket.
"Nurse,saan ang hospital room ni Mr. Cabral?" Tanong ko sa nurse na parang walang narinig at titig na titig ito sa akin.
"NURSE!" napalakas na ang aking boses.
"I'm sorry po Sir,ito po nasa emergency room pa s'ya." Sagot nito sa akin at hindi na ako nagpasalamat. Naglakad na ako papunta sa sinabi nito.
Malayo pa ay natanaw ko na ang isang matangkad na babae na nasa harapan mismo ng emergency room.
Nagtama ang mga mata namin nito ng mapansin n'yang palapit ako.
"NINONG!" Tawag nito sa akin at agad itong lumapit sa akin at yumakap.
"SIERRA?"
"Ako nga po Ninong " sagot nito sa akin na parang hindi ako makapaniwala na ito ang Sierra na inaanak ko. Dahil sa hindi ko akalain na lalaki itong isang napakagandang dalaga.
Anim na taon ba naman akong hindi nakabisita sa kanila at ngayon ay nasa bente anyos na ata ito.
"Mabuti naman po at nakapunta kayo. Kanina ko pa po kayo hinihintay." Umiiyak na naman na sambit nito.
"Ssshhh! Tahan na Iha." Pag-aalo ko dito. Naiilang din ako sa pagkakayakap nito sa akin,pero dahil inaanak ko s'ya ay hinayaan ko na lamang ito.
Hindi ko pa alam kung ano ba ang nangyari at nasa hospital ang Itay nito.
Nang mahimasmasan ito sa kakaiyak ay bumitaw ito sa pagkakayakap sa akin.
"Iha, ano ba talaga ang nangyari sa Itay mo?"
"Nasaan ang pamilya ng pasyente?" Tanong ng doktor na lumabas na mula sa emergency room.
"Ako po! Ako ang anak n'ya." Lumapit kaming dalawa ni Sierra sa doktor.
"Kumusta po si Itay?"
"Iha,tatapatin na kita,malubha na ang Itay mo at kung maoperahan man s'ya ay 50/50 pa din ang chance na mabuhay s'ya. Dapat kasi ay hindi na nin'yo pina-abot pa sa ganitong stage ang sakit n'ya. Hindi biro ang sakit na lung cancer." Sagot ng doktor sa kan'ya at napaatras naman si Sierra na para bang matutumba ito.
"Sierra, tatagan mo ang iyong loob." Pabulong ko pang sabi sa kan'ya.
"Ninong si Itay! Hindi ko kayang mawala s'ya! S'ya na lang ang me'ron ako!" Umiiyak na sabi nito at awang-awa ako sa kan'yang kalagayan. Mula pagkabata ay ang Itay n'ya na ang nag-aalaga dito,kaya naman ganito na lamang ito ngayon. Sobra akong nasasaktan para sa kan'ya.
"Dok, gawin n'yo ang lahat, para sa kaibigan ko." Pakiusap ko sa doktor.
"Makakaasa kayong lahat ay gagawin namin, para sa pasyente." Sagot nito sa akin.
Nang bumalik sa loob ang doktor ay muli kong binalingan si Sierra.
"Iha,bakit hindi n'yo sinabi sa akin ang tungkol sa sakit ng Itay mo?"
"Dahil ayaw po n'ya na mag-alala ka pa sa kan'ya."
"Sana ay sinabi n'yo agad sa akin, para naman naagapan natin ang sakit n'ya."
"Sorry po Ninong,pero hindi ko kayang suwayin si Itay at kung anong sabihin nito ay iyon po ang aking sinusunod na malaking pagkakamali ko. Dahil sa hindi ko pagsasabi sa in'yo ay lalong napahamak si Itay."
"Tama na Iha, h'wag mo ng sisihin pa ang iyong sarili at magpahinga ka, dahil tila wala ka pang pahinga." Sabi ko pa sa kan'ya na puno ng pag-aalala.
Hindi ko maaninag sa kan'ya ang masayahin na batang noon ay kinakarga ko pa.
Naupo kami sa upuan at isinandal ko sa aking balikat ang ulo nito.
"Ninong,kapag lumabas muli ang doktor ay gisingin mo po ako."
"Oo naman Iha,kaya sige na matulog ka na at ako na muna ang bahala sa lahat."
Sagot ko sa kan'ya.
Hanggang sa nakatulog nga ito.
*****
Lumipas ang mga oras at nasa operating room na si Raymond ngayon.
Ang tanging hiling ko lamang ay kayanin sana nito ang lahat,para sa kan'yang anak.
Nang lumabas ang doktor ay dahan-dahan kong inaayos si Sierra sa med'yo may kalakihan na bangko.
"Dok, kumusta ang lagay ng pasyente?"
"Ikaw ba si Mr. DARIOZ?" Tanong nito sa akin.
"Ako nga po."
"Gusto kang makausap ng pasyente. Ayaw n'ya na nang operation." Malungkot na sagot ng doktor sa akin.
"Ang mabuti pa ay kausapin n'yo muna s'ya at saka namin isasagawa ang operation n'ya."
"Sige Dok, kakausapin ko muna s'ya."
Bago ako pumasok sa loob ng ay tinitigan ko muna sin Sierra na nahihimbing ng natutulog. Hindi ko na ito ginising pa,dahil randa ko na pagod na ito.
Nang makapasok ako sa loob ay nakita ko ang aking kaibigan na tila hinihintay talaga nito ang aking pagpasok.
Lumapit ako at doon ko nakita ang kan'yang kabuoan. Napaka-payat nito.
"Ray, bakit naman hindi mo sinabi ang lahat sa akin?"
"Hindi ko na sinabi, dahil ramdam kong hindi na din ako magtatagal." Sagot nito sa 'kin na nahihirapan ng magsalita.
"Dapat sinabi mo pa din, para naagapan pa natin."
"DARIOZ,ramdam ko na! Kunting oras na lamang ay iiwan ko na kayo at ang tanging hiling ko sa'yo ay ikaw na ang bahala kay Sierra."
"Huwag ka naman magsalita ng gan'yan. Matagal pa ang pagsasamahan natin,kaya naman pumayag ka ng maoperahan."
Sabi ko pa dito at umiling-iling lamang ito sa akin.
"Mangako ka na lamang sa akin Darioz, na hindi mo pababayaan ang aking anak pakiusap!" Sabi pa nito na tila pinipilit n'ya talagang nangako ako sa kan'ya.
"Pangako hindi ko s'ya pababayaan," Sagot ko sa kan'ya.
Ngumiti naman ito sa aking sagot.
"Salamat!" Pagkasabi nito ay bigla na lamang itong nanginig.
"Dok! Dok!" Sigaw ko.
"Ray! Ray! Lumaban ka!" Sigaw ko pa at ang mga nurse at doktor naman ay pumasok na at inasikaso nila si Ray.
"Sir,labas na po muna." Sabi ng nurse at sumunod na lamang ako dito.