Pabalik-balik na ako ng paglalakad at hindi ko alam kung anong nangyayari kay Ray sa loob.
"Ninong!' napalingon ako sa natutulog na si Sierra.
"Ano na po ang nangyayare kay Itay?" Tanong nito sa akin na hindi ko masagot agad.
"NINONG!" Muling tawag pa nito at tumayo na mula sa kan'yang kinahihigaan kanina.
"Lumabas na po ba ang doktor?"
"Oo Iha,pero kasi_"
"Kasi ano po?"
"Your dad's condition is serious, dear. Earlier, he woke up and wanted to talk to me." Sagot ko sa kan'ya. Alam kong magagalit ito,dahil ang sabi n'ya kanina ay gisingin ko s'ya.
"Bakit hindi mo po ako ginising? Sana ay nakausap ko s'ya."
"Dahil mahimbing kang natutulog kanina,kaya naman hindi na muna kita ginising at ang gusto ng daddy mong makausap ay ako Iha." Paliwanag ko sa kan'ya.
"Kahit na po,alam n'yo po na kanina pa ako naghihintay dito kung kailan maaring kausapin si Itay."
Pero natigil ang aming diskusyon ng makita ni Sierra na lumabas na ang doktor mula sa loob.
"Kumusta po si Itay?" Magalang na tanong nito.
Habang ako ay sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib ngyao, you hindi biro ang nangyayare kay Raymond kanina at sana ay ligtas ito.
"Your father is gone now, Hija. We did everything we could, but his body simply couldn't take it anymore." Sagot ng doktor.
"Hindi! Hindi! Buhay pa si Itay, bumalik po kayo sa loob,dahil kailangan na mabuhay ng Itay ko!" Nagwawala na si Sierra at nakikiusap na ito sa doktor.
Ako man ay parang hindi pa nagsi-sink-in sa utak ko ang sinabi ni doktor,pero hindi ako maaring panghinaan, Dahil kailangan ako ni Sierra. Sa akin s'ya ipinagkatiwala ni Raymond at ito na lamang ang tanging magagawa ko para sa aking kaibigan. Ang alagaan ang nag-iisang anak n'ya. Hindi ko ito maaring pabayaan,lalo na sa pagkakataon na ito.
"SIERRA,tama na yan. Halika na sa loob at para makita mo ang iyong ama." Pilit ko itong itinatayo mula sa pagkakaluhod nito sa harapan ng doktor.
"Ninong,sabihin mo sa kanila na bumalik sila sa loob,di ba HENERAL ka at maari mo silang utusan para i-revive pa nila si Itay."
"SIERRA,makinig ka sa akin, nagawa na ng mga doktor at nurses ang kanilang trabaho. Tanggapin na natin ito na wala na talaga ang Itay mo." Mahinahon na paliwanag ko sa kan'ya.
"Hindi mo ako naiintindihan Ninong! P'wede ede pang mabuhay si Itay kung papasok silang muli sa loob. Papasukin mo sila ulit Ninong please!" Muli pa nitong pakiusap sa akin. Ang akala ata nito sa trabaho ko ay lahat sakop ko.
"Hija, halika na. Dahil kahit anong gawin ko ngayon at lahat ng mga doktor dito ay malabo na mabuhay pa ang daddy mo! Naiintindihan mo ba ako! Nahihirapan din ako! Pero sana naman ay tanggapin muna ito ng paunti-unti dahil hindi gugustuhin ng itay mo ang nangyayare sa'yo ngayon. Pero kailangan mong bumangon." Napalakas na ang aking boses,dahil tila hindi na ito nakikinig sa amin.
Maging ang doktor ay ramdam kong naaawa sa kalagayan n'ya. Sino na naman ang doktor na magiging masaya kung ang kan'yang pasyente ay namatay. Ginawa naman nila ang lahat. Kaya lang ay hanggang dito na lamang siguro talaga ang buhay n'ya at wala na kaming magagawa ku'ndi ang tanggapin ito.
Tumayo si Sierra at yumakap ito sa akin.
"NINONG,si Itay, bakit kailangan si Itay pa ang mawala! Marami naman masasamang tao! Bakit si Itay pa?" Umiiyak na sabi pa nito habang nakayakap sa akin.
"Sige lang iiyak mo lang lahat ang nararamdaman mo Sierra." Sabi ko sa kan'ya at ang mga doktor naman ay nagpaalam na sa amin.
Iyak pa din ng iyak si Sierra at paano pa kaya kapag nakita na nito ang Itay n'ya na wala ng buhay. Baka lalong hindi nito kayanin.
"Halika na sa loob,para makita mo na ang Itay mo." Mahinahon kong sabi.
Inalalayan ko ito at para bang may kaybigat maging ng aking mga paa ngayon habang papasok kami dito sa loob. Parang maging ako ay hindi ko din kayang makita na wala ng buhay ang bestfriend ko mula pagkabata na s'yang naging best buddy ko sa lahat ng bagay. Sad'yang mas ginusto lang nito ang simpleng buhay dito sa lugar nila.
Kaibigan ko ito mula ng kami ay elementarya pa lamang at maging noong tumuntong kami ng highschool,kaya lamang nang mag-kolehiyo na ako ay nalayo ako sa kan'ya. Pero sa tuwing may panahon ay nagbo-bonding pa din kami nito. Isa s'ya sa taong napagkakatiwalaan. Hindi naman mayaman ang pamilya ko pero sapat ang kanilang kakayahan para makapag-aral ako. At syemp're naging working student din ako,bago ko pa man nakamit kung anuman ang me'ron ako ngayon.
Nang tuluyan kaming makapasok ay nakatakip na ng puting tela ang buong katawan ni Raymond,tanda ng wala na talaga itong buhay.
Dahan-dahan na lumapit sa kan'ya si Sierra.
"Tay! Tay! Gising ka na d'yan! H'wag mo naman gawin sa akin ito! Ikaw na lang ang me'ron ako! Kaya naman please po gumising ka na!" Umiiyak na naman ito habang yakap-yakap ang Itay n'ya.
Hinayaan ko lamang s'ya. Pero sobrang naaawa na ako sa kan'ya, sobrang malapit nito sa kan'yang Itay. Ito kasi ang tanging kasama n'ya habang lumalaki ito at hindi ko din naman sila mabisita nitong mga nakaraan na taon. Dahil sa nangyari na aksidente sa amin ng asawa ko at hindi din sila nakapunta noon,dahil nasa malubhang kalagayan din si Sierra. Dahil sa sakit nito sa puso.
"Taaaaayy!" Sigaw pa ni Sierra at parang pinipiga ang puso ko ngayon sa nakikita kong kalagayan nito.
"Hija,tama na yan. Huminahon ka at kailangan mong maging matatag. Nandito ako at hindi kita pababayaan."
"Ninong, parang hindi ko pa po kayang iwan dito si Itay."
"Hindi naman natin iiwan ang Itay mo dito,dahil aayusin ko na ang lahat para sa kan'yang lamay at hindi kita iiwan hangga't hindi s'ya naililibing." Sabi ko pa sa kan'ya.
"Dito po muna ako Ninong." Pakiusap nito sa akin.
"Sige, pero mamaya ay ililipat na ang Itay mo sa morgue at doon s'ya kukunin ng punerarya na kukunin ko." Pagsang-ayon ko sa kan'yang gusto.
Lumabas ako na mabigat ang loob at gustuhin ko man na yakapin at magluksa ay hindi maari dahil baka lalong magbreak-down si Sierra.
Nang makalabas ay sumandal muna ako sa gilid ng may pintuan at pumikit sabay hinga ng malalim. Bakit ganito? Bakit lahat ng importanteng tao sa akin ay palagi na lamang kinukuha. Una ay ang asawa ko. Ngayon naman ay ang bestfriend ko.
Nang med'yo nakahinga na ako ay naglakad na ako para ayusin ang lahat para mailabas na dito si Raymond. Isang private hospital ito at kumpleto naman sa kagamitan, kaya naman hindi ko na din ito inilipat kanina. Ngayon ko narealized na hindi talaga natin maaring abusuhin ang ating katawan,dahil kahit gaano pa tayo kalakas. Kapag siningil na tayo ng ating katawan ay hindi natin alam kung hanggang saan lang ang ating buhay. Mas maigi pa din na ingatan ang ating mga sarili bago pa man tayo magkaroon ng malubhang sakit. Sobrang sipag ni Raymond at ang nakakabilib sa kan'ya ay ni minsan ay hindi ito nanghingi sa akin. P'wera na nga lang kapag ipinilit ko na ito sa kan'ya.
ITUTULOY.