CHAPTER:3

1323 Words
Walang araw na hindi ko nakikitang umiiyak ang anak ni Raymond. Nakaka-awa ito at mabuti na lang din at marami ang mga kapitbahay nilang tumulong sa lamay. Kukuha sana ako ng mga taong mag-aasikaso dito. Pero sila na mismo ang nagsabi na hindi ko na iyon kailangan pang gawin. Iba talaga kapag mabuti kang tao. Sa pagkaka-kilala ko sa aking bestfriend ay napakagaling nito na makisama. Kaya naman ngayon ay marami ang pumupunta dito para tumulong. Ulila na din kasi ito. "Sierra, magpahinga ka naman muna. Ilang araw ka ng puyat. At hindi ka din kumakain ng maayos. Ito kunin mo." Sabi ko sa kan'ya at tumingin lamang ito sa akin. Magkatabi kami malapit sa kabaong ng itay n'ya. "Ang hirap po kasi Ninong, sobrang hirap po na tanggapin na wala na si Itay. Para bang pakiramdam ko ngayon ay nag-iisa na lang ako." "Nandito ako Sierra at tulad ng ipinangako ko sa'yong Itay ay hinding-hindi kita pababayaan. Maging ang pag-aaral mo ay hindi mo pababayaan. Ako ang bahala sa lahat. Ang tanging hiling ko lang ay hayaan mo akong tulungan ka at tulungan mo din ang sarili mong malampasan mo ang lahat ng ito." Isinandal naman nito sa aking balikat ang kan'yang ulo. At pumikit ito. "Kainin mo muna yang sandwich na ibinigay ko sa'yo." Sumunod naman ito at habang nakasandal pa din sa akin ay kinain nga nito ang ibinigay ko. Nang maubos n'ya ay inabot ko din ang baso na may laman na kape. Pagkatapos nitong makainom at makakain ay muli nitong ipinikit ang kan'yang mga mata. "Doon ka na kaya sa loob magpahinga." Ani ko pa sa kan'ya. "Dito na lamang ako Ninong,ayaw ko po na iwan si Itay dito." Tumango na lamang ako sa kan'yang sinabi. Tila hanggang makalibing si Raymond ay hindi ito makakapagpahinga ng mayos. Ganito din naman ako noong nawala si Glaiza,mabuti na lamang din at may mga taong nand'yan para palakasin ang loob ko noon. Lalo na ang aking pamilya. Maging ang sila Lolo at Lola ay nandoon din para bigyan ako ng lakas. Kahit pa palagi ko din silang sinusuway sa mga gusto nila para sa akin. Gusto kasi nila ay ako ang pumalit sa kan'ya sa p'westo bilang CEO ng kompanya na ayaw ko naman tanggapin dahil may ibang mga apo pa naman s'ya sa kan'yang mga pamangkin sa pinsan na mga gahaman sa kayamanan nila Mom at ayaw ko ng makisawsaw pa sa kanila. Pero dahil nga nag-iisang anak nila si Mom ay kami ng mga kapatid ko ang gusto nila na mag-manage ng kompanya. Ang Dela Vida Empire. Isa ito sa kompanya na kilalang-kilala sa bansa. Dahil sa galing na din ni Lolo na kahit nasa ninety's a ang edad nito ay parang hindi halata sa kan'ya. **** Hanggang sa dumating ang araw ng libing ng Itay nito. "Itay, bakit kasi iniwan mo kaagad ako? Sino na ang magsasabit ng medalya ko sa aking graduation ngayon? Bakit kailangan na mawala ka pa Itay?" Umiiyak si Sierra habang itinatanong ang mga katanungan na ito sa kan'yang ama na walang buhay. "Mamaya na po! Mamaya na po nin'yo ibaba!" Sigaw pa nito. Sinenyasan ko naman ang mga tauhan ng punerarya na sundin ito. "Itay please bumangon ka na po d'yan!" "Sierra,tama na." Lumapit pa ako dito at pinipilit na ilayo na ito sa kabaong. "NINONG! Si Itay! Si Itay!" Hysterical na sabi pa nito at tila nawawala na ito sa kan'yang sarili. Hanggang sa mawalan ito ng malay at nagsigawan ang mga taong nasa paligid namin. Mabuti na lamang at agad ko itong nasalo at kinarga. Dinala ko na muna ito sa kotse na inarkila ko muna dito. Dahil motor nga ang dala ko nang magpunta ako dito. Inayos ko ito at sinigurado kong may pulso s'ya at nawalan lang talaga ng malay,saka ako bumalik sa puntod ng kaibigan ko. Nagsisipag-alisan na din ang mga tao at parang nagbabadya pa ang pag-ulan. Nang matapos nilang matabunan ang kabaong nito ay umalis na din ang mga tauhan ng punerarya. "Raymond, maraming salamat kaibigan. Marami tayong pinagsamahan at h'wag kang mag-aalala dahil ako na ang bahala sa anak mo!" Hindi ko namalayan na habang sinasambit ko ang mga katagang ito ay tumutulo na din pala ang aking mga luha. Pagkatapos kong sabihin ang lahat ay may paru-paro na lumapit sa akin at alam kong si Raymond na ito Naglakad na ako pabalik sa kotse at wala pa din malay si Sierra. Pero maayos naman ang paghinga nito, sad'yang pagod ito at kulang na kulang talaga sa tulog. Sumakay na ako ng kotse at diretso na kami sa bahay nila. Pagdating namin doon ay naiwan hinihintay pa din pala kami ni Ate Jho ang kapitbahay nila Sierra na sobrang bait at ito din ang naiwan dito para asikasuhin ang mga ibang nakipaglibing. Nang ibaba ko na sana si Sierra ay s'yang pag-gising naman nito. "Anong nangyari sa akin Ninong?" Tanong nito may pagtataka. "Nahimatay ka kanina." Tipid kong sagot sa kan'ya. "Nasaan na po tayo?" "Nasa bahay na at hindi nawalan ka ng malay kanina." Sagot ko sa kan'ya at inalalayan ko na itong bumaba. ******* "Pagkatapos ng halos isang linggo ay isinama ko na si Sierra dito sa bahay. Ang bahay na ako mismo ang nagpundar. Sa totoo lang ay mayaman naman ang angkan ni Mommy, sad'yang noong nabuntis ito sa akin ay halos isumpa ito ng kan'yang mga magulang. Pero sa huli ay natanggap din naman nila ako. Gusto nilang kunin ako noon pero hindi pumayag ang ama ko. Dahil kahit hindi naman ito mayaman kagaya nila mommy ay kaya n'ya naman kaming buhayin. Doon natauhan ang mga magulang ni Mom sa panghuhusga nila kay Dad. "NINONG,bahay mo po ba talaga ito? Ang laki pala!" Namamangha na tanong nito sa akin. "Oo at dito ka na mula ngayon titira Sierra at h'wag na h'wag kang mahihiya. May kasama tayo dito na maari kang mag-utos sa kanila. Dito ay isipin mong parang nasa bahay ka lang nin'yo sa probinsya.Kaya naman hindi mo kailangan na mailang dito sa akin. Kapag may mga kailangan ka ay sabihin mo lamang sa akin." Mahabang litanya ko sa kan'ya. Habang ito naman ay naglalakad-lakad dito sa sala. "Ang ganda po talaga ni Ninang Glaiza." Sabi n'ya pa ng tumapat ito sa malaking painting ng asawa kong namayapa. "Kaya nga nabaliw sa kan'ya ang Ninong mo,kaya lang maaga s'yang kinuha sa akin." Malungkot na sabi ko pa. "I'm sorry, Ninong." "Okay lang, hindi mo kailangan na mag-sorry sa akin. Tanggap ko na ang lahat,pero syemp're masakit pa din kapag naalala ko ang araw na kinuha s'ya sa akin. "Ang araw na nadugtungan din po ang buhay ko,dahil sa puso ni Ninang na nasa akin ngayon." Napangiti ako ng malungkot sa kan'yang sinabi. Dahil noong araw na naaksidente kami ni Glaiza ay iyon din ang araw na sobrang malubha na ang lagay ni Sierra. At si Glaiza at mismo ang nakiusap sa akin noon bago s'ya tuluyan na kunin sa akin na idonate ko ang puso n'ya kay Sierra. Kaya naman agad na nakipag-ugnayan ang hospital kung saan noon ay isinugod ko si Glaiza sa hospital kung saan naman naka-confine si Sierra at sobrang nahihirapan sila sa donor ng puso nito. "Sir,nandito na po pala kayo. Pasens'ya na po at hindi ko napansin. Nabusy kami sa kusina at sa paghahanda ng pagkain para sa in'yo ng ina-anak mo." Sabi pa ni Manang Crising. Ang pinagkakatiwalaan kong kasambahay at medyo may edad na din ito. "Maraming salamat Manang." Sabi ko kay Manang. "Ang mabuti pa siguro ay kumain na muna tayo Sierra,para naman makapagpahinga ka na din ng maayos sa kwarto mo. "Kwarto ko po? may sarili po akong kwarto?" "Oo naman Iha,maging ang mga kasambahay ko dito ay may kan'ya-kan'ya silang silid at syemp're ikaw ay mas importante,kaya naman nasa taas ang silid mo malapit sa aking k'warto." Sagot ko sa kan'yang tanong, habang naglalakad kami papunta sa dining table. ITUTULOY...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD