CHAPTER:4

1312 Words
"Manang, kumain na po ba kayo?" Tanong ko dito. "Mamaya na lamang kami Sir, nakakahiya naman po kay Ma'am." Sagot sa akin nito. Nakalimutan ko na ipakilala si Sierra sa kanila. "SIERRA, nalang po." Magalang na sabi nito. "Sige po kung 'yan ang gusto mo." "Sumabay na kayo sa amin Manang." Utos ko. "Oo nga po, h'wag na kayong mahiya sa akin. Ako po tuloy ang nahihiya." Ani pa ni Sierra. "Oh! Narinig n'yo naman si Sierra,kaya naman Manang maupo na po kayo at sabayan na kaming kumain. Para naman lalong ganahan itong dalaga natin." Nakangiti na sabi ko pa at ngumiti naman din si Sierra,pero halata pa din na hindi ito okay. Ang ngiti nito ay hindi man lang umaabot sa kan'yang mga mata. Gusto ko na makita ang magandang ngiti nito noong bata pa s'ya. Ilang taon ko din kasi itong hindi nakita. Sa sobrang busy ko sa trabaho. "Mahirap na talagang makahanap ng katulad mong amo Sir Darioz. Ang iba ay pinagmamalupitan pa ang kanilang mga kasambahay. Pero ikaw ay ganito ang trato mo sa amin na para bang kami ay kapamilya mo na din." Sabi pa ni Manang. "Alam n'yo Manang,mas higit nga dapat na magpasalamat ako,dahil hindi n'yo ako iniiwan dito nila Maring. Kayo na lang kasi ang napagkakatiwalaan ko dito sa bahay at tulad ng palagi kong sinasabi ay kung wala kayo,baka ngayon ay binabahayan na ng sawa Ang bahay ko." Natawa naman sila sa aking huling sinambit. "Hindi namin kayang iwan ang trabaho dito Sir,bukod sa maayos na pa-sweldo ay may maayos kaming benefits at pahinga." Sabi pa ni Manang, habang si Sierra naman ay nakikinig lamang sa aming usapan. Napansin ko din na tila hindi nito ginagalaw ang kan'yang pagkain. "SIERRA,ayaw mo ba sa pagkain? May gusto ka bang iba? Magsabi ka at ipapaluto natin kay Manang." Ini-angat naman nito ang kan'yang ulo at tumingin sa akin. "Naku Ninong,okay na po ang pagkain sa akin. Med'yo hindi pa nga lang talaga ako nagugutom. Pero masarap po ang pagkain." Sagot nito sa akin. "Ang mabuti pa ay kainin mo lamang ang kaya mo at magpahinga ka na. Mahaba din ang byahe natin at naka-motor pa tayo kaya naman alam kong nangangalay na ang katawan mo ngayon." Sabi ko na lamang,dahil halata naman na dahil pa din sa nangyari sa Itay n'ya kung bakit ito ganito katamlay. Kahit naman sino ay ganito ang magiging scenario kapag nawalan ng taong naging kasama mo sa iyong paglaki. Hindi ko alam kung hanggang kailan magiging ganito si Sierra,pero lahat ay gagawin ko para maging okay na din ito. Lalo pa at sa susunod na buwan ay kailangan n'ya ng asikasuhin ang kan'yang paglipat ng university. Gusto ko ay mag-aral s'ya sa isang sikat na university dito sa bansa. Gusto ko na makamit n'ya ang kan'yang pangarap na maging isang magaling flight attendant. Ito kasi ang pangarap nito at gusto ko na makamit n'ya iyon. Kumain na kami at kahit paano ay naubos naman nito ang laman ng kan'yang plato. "Ihahatid na kita sa kwarto mo!" Aking sabi pagkatapos kong punasan ang labi ko. "Manang kayo na po ang bahala dito." "Opo Sir." Sagot nito sa akin. Naglakad na kami papunta sa kwarto nito at pinauna ko na itong maglakad. Parang mali ata ang aking ginawa, dahil naiilang akong makita ang napakagandang hugis ng kan'yang katawan. "Ninong,okay ka lang ba?" Tanong ni Sierra sa akin. Nakaakyat na pala kami sa hagdan ng hindi ko namamalayan. Kakaiwas ko sa kakatingin sa kan'yang katawan ay nakatingin na lamang ako sa sahig. "Oo Iha, okay ako." Sagot kong med'yo hindi sigurado. Dahil sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ba ang aking nararamdaman ngayon. Mali kaya kailangan na supilin. "Sigurado ka po ba? Bakit po tagaktak na ang pawis mo? Naglakad lang naman po tayo d'yan sa may hagdan." "Mainit kasi." Tipid ko na sagot at tinanggal ang kamay n'ya mula sa pagkakahawak nito sa aking noo. "Halika na at gusto kong makita mo ang silid mo. Kung saan ka mananatili hanggang gusto mo." Sabi ko sa kan'ya at para bang sa tuwing ganito s'ya kalapit sa akin at nahahawakan ko s'ya ay parang may mga lumilipad ba paru-paro sa aking t'yan. "My ghad DARIOZ,itigil mo ang kabaliwan mo!" Bulong ko pa habang pinapagalitan ang aking sarili. "Sige po, maraming salamat ulit Ninong,dahil kahit inaanak mo lamang ako ay handa kang maging saluhin ako sa mga panahon na ito." "Nangako ako sa Itay mo at obligasyon ko din naman ito, dahil inaanak kita. Ayaw ko naman na multuhin ako ng itay mo." Turan ko sa kan'ya. Naglakad na kami at nang tumapat kami sa isang pinto na hindi kalayuan sa aking kwarto ay huminto na kami. "Nandito na tayo." Sabi ko sabay bukas ng pinto. "Pasok ka sa loob Iha,para naman makita mo at malaman ko kung may gusto ka ba na baguhin sa ayos nito." Dahan-dahan naman itong naglakad papasok. "WOW! Ang laki naman nito Ninong at ang ganda po ng kulay ng mga nandito ay lahat paborito ko!" May ngiti sa kan'yang labi na sabi pa n'ya na ikinangiti ko na din. Sinad'ya ko kasi talaga na maging ganito ang ayos ng kan'yang kwarto. Napapalibutan ito ng lavender na kulay na paborito n'ya talaga. Dahil maging ang kwarto nito sa probinsya ay punong-puno ng ganitong kulay. Maganda naman kasing pagmasdan ito. Si Manang ang naging abala para maging ganito ito kaganda,maging ang mga kurtina, bedsheets ay ipinatahi pa nito ng mabilisan. At mabuti na lamang bago kami dumating ay natahi na ang mga ito. "Salamat naman at nagustuhan mo. Kung may gusto ka pa na baguhin ay ikaw na ang bahala at kung kailangan ng budget ay h'wag na h'wag kang mahihiya sa akin." Bilin ko pa sa kan'ya. "Okay na po ako dito Ninong, sobra-sobra na po ang tulong n'yo sa akin. Mula sa bills ni Itay sa hospital hanggang sa lamay ay hindi n'yo po ako iniwan. At ngayon ay pinapatuloy n'yo pa ako dito sa bahay mo " "Basta kapag may kailangan ka ay magsabi ka lamang. Mas gusto ko na malamang ang mga kailangan mo. Lalo na sa pag-aaral mo " "NINONG,sa pag-aaral ko naman po ay maari din akong mag-part-time job. Ayaw ko naman kasi na iasa lahat sa'yo ang aking mga kailangan." Hindi agad ako sumagot sa kan'yang sinabi,dahil parang ayaw ko ng kan'yang ideya. Kaya ko naman kasing ibigay ang lahat ng kan'yang pangangailangan. Hindi n'ya na kailangan pang magtrabaho. "Saka na lamang natin pag-usapan ang bagay na yan, magpahinga ka na muna. Para naman makabalik ang sigla ng katawan mo. Ilang gabi ka na puyat at kailangan mo ng pahinga. Lalabas na ako, kapag may kailangan ka ay puntahan mo lamang sila Manang." "Opo Ninong." Tipid na sagot nito sa akin Dahan-dahan ko naman na isinara ang pinto at naglakad na ako papunta sa aking kwarto. Isang kwarto lang naman ang pagitan ng kwarto namin. Baka kasi mamaya ay bigla na lamang sisigaw si Sierra, katulad ng nangyayari sa kan'ya sa probinsya. Nanaginip kasi ito madalas ng masama. Nang makapasok ako sa aking kwarto ay hinubad ko na ang aking suot na t-shirt at maging ang aking pantalon. Gusto ko na maligo. Pero maligamgam na tubig lamang, dahil ayaw ko naman na mapasma. Hindi kasi ako nakatulog kapag hindi nakakaligo. Tinimpla ko ang tubig sa bathtub at nang okay na ay naglublob na agad ako dito. Inihiga ko ang aking ulo at ipinikit ang aking mga mata. Ang sarap magbabad. Nang magsawa ako ay saka naman inuumpisahan ko ang pagsabon ng aking katawan. Hanggang sa matapos ako at kinuha ang aking t'walya na nakasampay. Palaging may malinis na t'walya dito, dahil ito ang palagi kong bilin kila Manang. Lumabas ako at dumiretso sa cabinet para kumuha ng pajama. Hindi kasi ako sanay na magsuot ng brief at pang-itaas kapag matutulog na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD