Habang naglalaro kami ay nararamdaman kong ako lang ang bantay sarado ni Drew talaga. Lalo na ngayon na tie na ang aming score ay parang gusto ko na lamang ay matapos na ito. Pero habang naglalaro kami ay bigla itong nagtanong sa akin. "Uncle Darioz bakit ka sumali sa laro namin?"seryosong tanong n'ya. "Gusto ko! tipid na sagot ko sa kan'ya. "Hindi ako naniniwalang gusto mo lang! Dahil ba ito kay Sierra?" Tanong n'yang muli sa akin. "Kung sabihin kung oo." matapang na sagot ko sa kan'ya. Mas maiging malaman n'ya na may gusto din ako sa dalaga. Hindi naman naririnig ang usapan namin ng mga ka-team namin,dahil med'yo malayo sila at sobrang ingay dito sa gym. Hinihintay ko nga na isigaw man lang ni Sierra ang aking pangalan, kagaya ng pagsigaw n'ya kanina ng pangalan ni Drew. Nakakainis l

