6 MONTHS LATER SIERRA'S POV "Sierra,ano makakapunta ka ba sa birthday party ko?" Tanong ni Mariz sa akin. "Susubukan ko,pero hindi pa kasi ako nakapag-paalam kay ninong." Sagot ko sa kan'ya. "Mag-paalam ka na kasi, para naman kasama ka namin nila Drew." Sabi pa nitong muli at naupo sa harapan ko habang aking inaayos ang gamit ko. Anim na buwan na ang lumipas at naging mas maayos naman ang lagay ko dito sa campus. Hindi na din ako ginugulo pa ni Annika,kahit pa malapit pa din sa akin si Drew. Pero sa tuwing nagkakasalubong kami nito ay palagi na lamang nakataas ang kilay nito at sa akin na hindi ko na lang din pinapansin. Dahil ayaw ko na ng gulo. Pagkatapos din ng isang buwan na naka-sick leave si Prof Lee ay bumalik na din ito. At si Ninong naman ay madalas pa din s'ya ang hatid s

