Habang nagdi-discuss si Prof Lee ay nakikinig lang ako sa kan'ya. Ang hirap kapag napapalibutan ng magagandang nilalang. HINDI uso ang panget sa mayayaman dahil kayang-kaya nilang baguhin ang kanilang mga mukha,gamit ang limpak-limpak nilang salapi. Kung ipinanganak ka man na panget,basta may pera ka lahat nagagawan ng paraan. Ni hindi ko nga alam kung sino ba ang retokada sa mga taong nandito ngayon. Nang matapos si Prof Lee ay may kunting mga katanungan lamang ito at magtataka ka din sa mga nandito na kahit hindi nakikinig ang iba, nakakasagot sila sa tanong ni Prof. Paglabas namin ay dumiretso na kami sa canteen at si Drew naman ay nagpaalam na muna na may kailangan itong gawin. Ewan ko ba sa isang iyon at nagpapa-alam pa sa amin. "Ako na oorder para sa ating dalawa." Sabi nito at

