***Niva POV*** HINAYAAN kong salipadparin ng malakas na hangin ng dagat ang aking mahabang buhok at laylayan ng aking suot na floral dress. Abala ako sa pagkuha ng pictures at pagkuha ng video sa mga islang nadadaanan ng mega yacht na lulan namin. Island hopping naman ang activity ngayong araw. Lahat ng guest ay nag e-enjoy sa magandang tanawin. Hapon na kaya hindi na masakit sa balat ang araw at mas kita na ang ganda ng tanawin. Tila nga mga kristal ang dagat na kumikinang sa tama ng araw. Nagkakasiyahan ang mga guest sa deck. Nagtatawanan habang pinagsasaluhan ang mamahaling wine at nare-relax sa saliw ng malamyos na musika. Nahahati sa tatlong grupo ang mga guest. Kaya ang ibang mga guest ay nasa dalawa pang mega yacht na kasabayan din namang naglalayag sa malawak na karagatan. N

