***Niva POV*** DUMAMPOT ako ng isang cocktail drink na pinamimigay ng waiter. "Thank you." Sambit ko. Ngumiti naman ang waiter at inalok pa ang ilang guest sa malawak na bulwagan kung saan nagsama sama ang mga bigatin at kilalang mga businessman sa buong bansa at sa iba pang bansa. Katatapos lang ng programa at nagkakainan na ang mga guest. Ako naman ay katatapos lang kaya cocktail drink naman ang iniinom ko. Luminga linga ako para hanapin si Marcus. Kasabay ko syang kumain kanina at asikasong asikaso nya ako, halos subuan pa nya ako. Dalawang araw na kami dito sa Cebu at halos hindi kami naghihiwalay ni Marcus. Ako ang secretary nya kaya lahat ng kailangan nya ay ako ang bahala. Pero kapansin pansin ang kakaibang pakitungo sa akin ni Marcus na parang hindi nya ako empleyado. Madi

