***Claudia POV*** "GET out of my face! At lahat kayo ay tanggal na! Mga walang kwenta!" Galit na singhal ko sa limang empleyado ko. "Pero Ma'am Claudia, hindi yata tama na basta nyo na lang kami tanggalin sa trabaho." Nagpanting ang tenga ko sa pagsagot ng sales manager. "Tama lang yun dahil mga wala kayong kwenta. Kasalanan nyo kung bakit bumaba ang sales." "Ma'am, naipaliwanag ko na po yan sa inyo -- " "I don't care about your explanations! Magsilayas kayo sa kumpanya ko. Get out! Mga walang silbi!" Dinampot ko ang glass ashtray sabay bato sa dingding na ikinatili ng mga empleyado ko. Basag ang salamin ng mamahaling painting na binili ko pa sa France. Agad namang nagpulasan ang limang empleyado ko at lumabas ng opisina ko. "Arghh! Mga putangina nyo lahat!" Inis na sigaw ko at

