***Niva POV*** NANGINGITI ako habang pinagmamasdan si Marcus at ang anak nya. Naka uniporme pa ang anak nya dahil galing itong school at sinundo nya. Tinuturuan nya ito sa home work nito. Mabait na bata ang anak nya at marunong mangopo. Hindi rin spoiled brat. Mabuti naman at kay Marcus nagmana ng ugali hindi sa demonya nyang ina. Pero napapansin ko na hindi kamukha ni Marcus ang anak nya. Hindi rin ito kamukha ni Tita Claudia. Chinita ang bata na maputi. Pero siguro ay magbabago pa ang mukha nya paglaki. "Very good princess. O, kayang kaya mo na yan. Kapag na-perfect mo yan, papayagan na kitang mag bike." "Yehey! I can do this, daddy." "I know you can do it, princess." Tumalikod na ako at lumabas ng opisina. Iniwan ko na ang mag ama para ituloy na ang trabaho.. Dinampot ko ang

