***Marcus POV*** MATALIM akong tumingin kay Jessie nang pumasok sya sa library office. Best friend sya ni Claudia at malamang alam nya ang lahat ng kalokohan na ginagawa ni Claudia at baka nga ay kasabwat pa sya. Tinatanggi lang nya. Ilang beses ko na syang tinanong noon at pinuntahan na rin ng mga pulis para itanong ang kinaroroonan ni Claudia pero tinatanggi nyang may alam sya. "Cut that deadly stare, Marcus. Hindi mo ko kaaway." Kaswal lang na wika ni Jessie. "You are Claudia's best friend. I don't trust you." Mariing sambit ko. Bumuntong hininga sya at umarko ang dalawang kilay. "Noon yun, hindi na ngayon. At ayoko ng maugnay ang pangalan nya sa akin dahil sinusuka ko na naging kaibigan ko yang asawa mong kinupal ako." Nagsalubong ang kilay ko sa nakita kong galit sa mga mata

