***Niva POV*** NAGISING ako ng may bumuhos sa aking malamig na tubig. Nangaligkig ako sa lamig. Ngunit di ko maigalaw ang mga kamay at paa ko. "Hah!" Habol ko ang hininga at namilog ang aking mga mata. Nasaan ako? "Finally, you woke up." Nag angat ako ng tingin at lalo akong nanlamig nang makita si Tita Claudia. May demonyong ngisi sa kanyang labi. "T-Tita Claudia.." Mahinang sambit ko. Tumawa sya at naglakad paikot sa akin. Doon ko lang napansin na nakaupo ako sa kahoy na bangko. Nakatali ng mahigpit patalikod ang dalawang kamay ko pati na ang dalawang paa ko. Sinubukan kong kalagin ang tali sa kamay pero napangiwi lang ako sa sobrang higpit. "Hindi mo makakalag yan, ganda." Tumingin ako sa lalaking nagsalita. Moreno sya na may pagka mestiso at may tattoo sa leeg. Yun n

