***Marcus POV*** "HMM.." Mahinang ungol ni Niva ng kagatin ko ng marahan ang labi nya. Natawa naman ako at sinipsip ang labi nyang kinagat ko. Katatapos lang namin mag lunch. Ngayon lang kami nakapag usap at naglambingan ngayong araw dahil parehas kaming busy kaninang umaga. Dalawang meeting ang dinaluhan ko kanina habang sya ay naiwan dito sa opisina at sumasagot ng mga tawag at email bukod pa sa iba pa nyang ginagawa. Isa sa hinahangaan ko sa nobya na kahit may relasyon na kami ay hindi sya nag te-take advantage sa trabaho. Ginagampanan pa rin nya ang trabaho nya. Professional sya pag dating sa trabaho. Pero kapag naglambing naman ako ay binibigyan nya ako ng atensyon. Hindi sya madamot sa atensyon sa akin. Gaya ngayon. "Hmm love.. masyado ng nagiging malikot ang kamay mo. Baka sa i

