***Marcus POV*** "HI, princess!" Bati ko sa anak paglabas nya ng gate kasama ang teacher. "Daddy!" Humahagikgik na tawag nya sa akin at bumitaw sa kamay ng teacher sabay takbo palapit sa akin. Sinalubong ko naman sya sabay karga at halik sa kanyang pisngi. Gumanti din sya ng halik sa pisngi ko. Binalingan ko muna ang butihing guro ng anak at nagpasalamat. "How's the classroom, princess? Pawisan ka, ah." Natatawang tanong ko at dinampi dampian ng panyo ang kanyang pawisang noo at leeg. "Super happy po, daddy. Nag play po kami ng stop dance." Bibong sagot nya. Ngumisi ako. "Kaya naman pala namamawis ka." Tinanggal ko ang pink nyang bag na naka-sukbit sa balikat nya at binigay sa yaya nya. "Sabi nga po ni teacher, mag-play po ulit kami ng stop dance bukas." Excited na sabi pa n

