[WARNING SPG ❗] ***Niva POV*** "KAMUSTA ka na, Niva? Pasensya na ha. Hindi ka man lang namin nadalaw noon sa hospital. Ang higpit ng bantay, eh." Turan ni Aya. "Ayos lang. Saka heto na ako, nakakapaglakad na ng maayos." Nakangiting wika ko. Kagagaling ko lang sa hr office para magreport. Bukas ay balik trabaho na ako sa office. Namiss ko na ngang kaharap ang mga papeles at computer. "Grabe naman kasi ang nangyari sayo. Sobra kaming nag alala ni Aya." Sambit ni Cristy. "Pero totoo ba talaga na si Ma'am Claudia ang nagpabangga sa kotse mo?" Mahinang tanong ni Aya. Bumuntong hininga naman ako at tumango. Napasinghap ang dalawa. "Kung ganun.. legit yung mga nasa balita?" Muli akong tumango. Alam na ng buong Pilipinas ang krimen na ginawa ni Claudia sa akin at sa pamilya ko. K

