***Niva POV*** "AKO na po ang maghuhugas, nay." Presinta ko. "Naku, hindi na. Magpahinga ka na lang." Inagaw sa akin ni Nanay Fely ang mga pinggan na pinagkainan namin. Pero binawi ko rin yun sa kanya. "Ako na po. Puro na lang po ako pahinga. Kailangan ko rin pong kumilos." Natatawang sabi ko. Napabuntong hininga na lang sya. "Hay sya.. kung mapilit ka. Pero pagkatapos mo nyan magpahinga ka na. Yung binti mo.." Nag aalalang wika pa ni Nanay Fely. "Ayos lang po ang binti ko, nay. Kailangan din po nya ng exercise." Paika ika pa rin akong maglakad pero kaya ko na yung ilakad ng matagalan. May kirot pa rin ng kaunti. Pero mawawala na rin yun at makakalakad na ako ng diretso. Iniwan na ako sa sink ni Nanay Fely at pinuntahan ang mga bodyguard na nasa labas. Tatlo ang bodyguard na

