***Jessie POV*** PAGLABAS ni Owen sa banyo ay nakatapis sya ng puting tuwalya habang tinutuyo ng isa pang tuwalya ang basang buhok. Napangisi sya nang makita ako. "Dumating ka na pala, babe." Lumapit sya sa akin at akmang hahalikan ako sa labi pero mabilis kong iniwas ang mukha at tinulak sya sa dibdib. Natigilan naman sya. "What's wrong, babe?" Matalim ko syang tiningnan at binato sa mukha nya ang polo shirt nya. "Bakit may bahid ng lipstick ang kwelyo ng polo shirt mo? May babae ka ba?" Pigil ang galit sa boses na tanong ko. Nagsalubong ang kilay nya. "What are you talking about, babe? Anong bahid ng lipstick?" "Tingnan mo ang kwelyo ng polo mo." Mariing wika ko. Mabilis na ang t***k ng puso ko sa selos at ngitngit. Tiningnan naman nya ng kwelyo ng polo at natigilan na

