***Niva POV*** PATINGIN tingin ako kay Marcus habang kumakain kami. Magana syang kumain at halos sunod sunod ang subo. Mukhang gutom na gutom. Gayunpaman ay elagante pa rin ang bawat subo nya at gwapong gwapo pa rin kahit gutom. Pero may kasalanan pa rin sya sa akin. Napakaselosong gurang. Buti na lang gwapo. Alam ko namang mahal lang nya ako. Pero hindi tama yung ginawa nya kay Terrence. Nagpipigil lang ako ngayon na komprontahin sya sa pakiusap na rin ni Terrence dahil baka balingan na naman nya ito. Nag angat sya ng tingin sa akin at bumagal sa pagnguya ng makitang nakatingin ako sa kanya. "Why sweetie? Hindi mo gusto ang mga pagkain?" Tanong nya. "Gusto. Masasarap nga eh." Sabi ko at sumubo. Ngumisi naman sya. "Titig na titig ka sa akin kanina. Iniisip mo sigurong pagkain ak

