***Niva POV***
"MANONG, heto po ang bayad." Inabot ko sa taxi driver ang bayad ko sa pamasahe at bumaba na.
Tumingala ako sa matayog na building na puro salamin. Narito na ako sa compound ng Romero Investment Corporation Office. Ang isa sa tanyag na kumpanya sa buong bansa. Bukod sa matayog na building na nasa harapan ko ay meron pa yung dalawang building na extension na mas mababa na pahaba. Puro din yun salamin at nakakasilaw kapag tinatamaan ng sinag ng araw.
Humugot ako ng malalim na hininga at naglakad na papasok sa entrance ng malaking gusali. Binati ako ng apat na security na naroon. Matamis ko naman silang nginitian.
Taas noo at confident akong naglakad palapit sa reception area. Naglilikha pa ng tunog ang takong ng black round toe pumps stiletto ko sa bawat hakbang ko sa makintab na marmol.
"Hi! Good morning!" Bati ko sa dalawang receptionist.
"Good morning ma'am. What can we do for you?" Magiliw na bati nila at ngumiti din ngunit pasimple akong hinagod ng tingin.
"I am the new trainee sa secretary office." Nilapag ko ang maliit na papel sa ibabaw ng wooden counter.
Nagtinginan naman ang dalawang babae at sabay pang nagtaas ng mga kilay.
"New trainee pala. Akala ko naman client." Saad ng isang receptionist na tila disappointed. Kinuha nya ang maliit na papel at nakausli ang labing nagpipindot sa keyboard ng computer.
Hindi ko na lang pinansin ang maasim na patutsada nya at mas tinamisan ko na lang ang ngiti. Simula sa araw na ito ay dito na ako mag ta-trabaho. Kaya dapat makasundo ko rin ang mga empleyado dito.
"Why are you staring at me?" Mataray na ang tono ng boses ng receptionist na Sally ang pangalan ayon sa nameplate na nakalagay sa dibdib ng blazer nya.
"I'm sorry Miss Sally, I just find you so pretty kasi eh. Actually, may kahawig kang korean actress na super idol ko."
Nagbago ang expression ng mukha ni Sally at tumaas ang dalawang kilay. Pasimple nyang dinampian ng kamay ang pisngi.
"Really?"
"Yes."
"Actually, marami nga ang nagsasabi na may kahawig akong korean actress."
Ngumiti ako. "That's true, Miss Sally. Saka ang smooth tingnan ng skin mo sa face. Very glossy. Can I touch it?"
"Sure!"
Marahan kong pinindot pindot ang pisngi nya. Malambot naman talaga yun. Makapal nga lang ang powder na gamit nya.
"Ang soft, ha. Tapos gusto ko yung shade ng eye shadow mo. Very natural."
"ClauBeauty Product yan. Dyan ako nahiyang."
Maasim akong ngumiti ng banggitin nya ang brand ng make up na gamit nya.
Tumikhim naman ang katabi ni Sally na si Ella. Umawang naman kunwari ang labi ko at tumingin sa ilong nya.
"Bagong gawa yan?" Tanong ko.
Namula ang mukha ni Ella. Humagikgik naman si Sally.
"Sabi ko sayo Ella, eh. Pansinin yang ilong mo."
"Bagong gawa nga lang kasi kaya ganito to." Inis na sabi ni Ella at inirapan pa ako.
"Ah nasa healing process pa. Pero for sure naman na maganda ang kalalabasan nyan. Bagay nga sayo eh."
"Talaga?"
"Oo. Magkano yang ganyan? Parang gusto ko rin kasing magpagawa eh. Kaya lang wala pa akong pera."
"Naku, magpapagawa ka? Eh ang ganda nga ng ilong mo."
"Kaya nga. Huwag mo ng ipagalaw yan, baka masira."
Hinaplos ko ang tungki ng ilong. "Talaga? Hindi ba masyadong matulis?"
"Hindi. Sakto lang. Mas matulis nga yung ilong ni Ella eh." Ani Sally sabay tawa.
Sumimangot naman naman si Ella.
"Excuse me, miss."
Natigilan kami sa pag uusap ng may lumapit na may edad na lalaki. Agad naman yung inasikaso ni Ella.
"Uh miss, akyat ka na sa secretary office." Untag sa akin ni Sally.
"Thank you, Sally."
"You're welcome. What's your name again?"
"Niva. Niva Rosal."
"Okay. Nice to meet you Niva and welcome to Romero Investment Corporation. Chika ulit tayo pag may time."
"Sure. Thank you, Sally." Ngumiti ako sa kanila ni Ella at tumalikod na.
Bumuntong hininga ako at inikot ang mata. Mukha namang mabait ang dalawang receptionist pero mukha ding plastic. Makiki ride on na lang ako sa kanila.
Mataman akong nakikinig kay Miss Wilma habang dinidiscuss sa akin ang mga dapat kong gawin. Matagal na syang empleyado ng kumpanya. Secretary pa sya ng founder ng Romero Investment Corporation at ngayon ay ang anak na ang boss nya. Ngunit mag re-retired na sya kaya naghahanap na ng kapalit nya. Maswerte namang ako ang napili nya sa dami ng aplikante. Mukhang naimpress sya sa akin nung in-interview nya ako.
"How old are you again, Miss Rosal?"
"Twenty two, ma'am."
"Hmm.. batang bata ka pa nga at fresh graduate pa."
Ngumiti ako. "And thank you ma'am for choosing me. Sa dami po ng aplikante na maganda din ang background at may mga experience pa pero ako po ang napili nyo. Salamat po."
In-adjust ni Miss Wilma ang suot na salamin at ngumiti. Noong una ko syang nakaharap ay mukha syang masungit at istrikto kausap. Mabusisi din sya kung magtanong.
"Actually ang mga gaya mo talaga ang hinahanap ko na papalit sa akin. Fresh graduate at wala pang karanasan pero willing matuto. Mukha ka rin namang matalino."
"Gustong gusto ko po talagang mag trabahao dito sa RIC. Nag aaral pa lang po ako ay ito na po ang pangarap ko. Kaya gagalingan ko po at lagi kong tatandaan ang mga turo nyo."
"That's good. Fresh graduate din ako noong unang pasok ko dito sa kumpanya bilang secretary ni Senyor Damian. Sya din ang pumili sa akin noon. Dahil fresh graduate ay nangangapa pa ako pero unti unti din akong natuto. And look, thirty years na ako dito sa kumpanya at kabisado na ang lahat ng pasikot sikot dito sa kumpanya. Hindi sa pagmamayabang but I am one of the most trusted employees here in the company. Na-meet ko na ang lahat ng mga important clients ng kumpanya. Lagi akong kasama sa mga important meetings mula noong si Senyor Damian pa ang boss ko hanggang ngayong si Sir Marcus na. Ayaw ko sanang iwan itong kumpanya pero hindi naman pwedeng dito ko na lang gugululin ang buong buhay ko. May naghihintay sa aking bagong buhay sa America kasama ang mga kapatid ko."
Kung ganun ay mag-mi-migrate na pala sya sa America. Good timing talaga na sya pala ang papalitan ko bilang secretary. Napaka lapit ko sa target ko.
"And about Sir Marcus, uunahan na kita. Mas istrikto sya kesa kay Senyor Damian and he is very perfectionist too. But generous naman sya at nagbibigay ng bonus kapag nakitang maganda ang trabaho kaya do your best."
Ngumiti ako at tumango. "Yes po ma'am."
Interesado akong marinig ang lahat ng sasabihin ni Miss Wilma tungkol sa magiging boss ko na asawa ni Tita Claudia. Gusto kong malaman ang lahat ng tungkol sa kanya.
"Alas otso ng umaga regular na pumapasok si Sir Marcus. Kailangan by seven ay narito ka na. Huwag mo ng hintayin ang utos nya at dalhan mo sya ng mainit na kape. Black coffee, no sugar. Ilatag mo rin sa kanya ang mga appointments nya ng buong araw."
Panay ang tango ko habang sinusulat sa dala kong notes ang nga sinasabi ni Miss Wilma para hindi ko makalimutan.
"At doon naman tayo sa bawal."
Tumingin ako kay Miss Wilma. "Private na tao si Sir Marcus. Ayaw nya na pinakikialaman ang mga personal na gamit nya maliban na lang kung may pahintulot nya. Yun lang naman."
Tumango ako at muling nagsulat sa kwaderno.
"And one more thing.."
Muli akong nag angat ng tingin kay Miss Wilma. Matiim ang tingin nya sa akin at sinuyod pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"May boyfriend ka ba?"
Nagtaka ako sa klase ng tanong ni Miss Wilma. Pero sumagot na rin ako.
"Wala po, ma'am."
"Sa totoo lang masyado kang maganda at nakaka-worry."
Kumunot ang noo ko. "Bakit po, ma'am."
"Dahil selosa si Ma'am Claudia, ang asawa ni Sir Marcus."
Umawang ang labi ko at humigpit ang hawak ko sa ballpen.
"Ayaw nya ng may babaeng lumalapit kay Sir Marcus lalo na kasing ganda at bata mo. Baka pag initan ka nya. But anyway, gawin mo lang ng tama ang trabaho mo. Wala naman syang say dito sa kumpanya. Si Sir Marcus pa rin ang masusunod."
Ngumiti ako at tumango. May bago akong nalalaman sa mga sinasabi ni Miss Wilma tungkol kay Tita Claudia. Selosa pala syang asawa. Puwes, humanda na sya sa paparating na bagyong Niva. Ang bagyong wawasak sa kanya.
--
NAKAUPO ako sa pasimano ng maliit na terrace habang nakatingin sa mga batang naglalaro. Gabi na pero nasa lansangan pa rin sila. Masaya silang naglalaro at nagtatawanan. Wala silang ibang iniisip kundi puro kasiyahan lang. Inosente pa ang kanilang mga isip at wala pang inaalalang mga problema. Kagaya din nila ako noon. Wala rin akong ibang iniisip kundi makipag laro sa ibang nga bata at magsaya. Pero maagang inagaw sa akin ang kasiyahan ko bilang bata. Sa edad na dose ay naging magulo at madilim ang buhay ko. At hanggang ngayon ay dala dala ko pa rin yun. Hindi ako makakawala sa bangungot ng kahapon hangga't hindi ko nakukuha ang hustisya para sa akin at sa pamilya ko. Hangga't nakikita ko si Tita Claudia na masaya at nagpapakasasa sa yaman na kinuha nya mula sa akin.
Tumiim bagang ako at kinuyom ang kamao. Ngayong nakapasok na ako sa kumpanya ng asawa ni Tita Claudia ay tuloy tuloy na ang plano ko. Magsisilbi akong anay na unti unting sisira sa kanya.
"Niva, kakain na tayo. Halika na." Tawag sa akin ni Ante Vala.
"Opo Ante Val, papasok na." Bumaba na ako sa pasimano at pumasok na sa bahay.
*****