Chapter 6

1677 Words
***Niva POV*** "KAMUSTA naman ang training mo sa kumpanya? Nahihirapan ka ba?" Tanong ni Ante Val sa gitna ng pagkain namin. "Ayos lang naman po, ante. Keri naman po." Sabi ko habang nilalantakan ang ulam naming ginisang ampalaya na may itlog. Noong bata ako ay hindi ako kumakain nito dahil mapait. Ngunit simula ng mapunta ako sa poder ni Nanay Fely ay natuto na rin akong kumain nito. "Ganun talaga sa umpisa. Mangangapa ka. Pero matalino ka naman kaya kayang kaya mo yan. Tapos pakitaan mo ng charm ang boss mo para laging mabait sayo." Payo pa ni Ante Val na ikinatawa ko. Walang alam si Ante Val lalo na si Nanay Fely sa mga plano ko. Ayokong malaman nila dahil ayokong madamay sila. Malaki ang utang na loob ko sa kanila dahil sila ang kumupkop sa akin lalo na si Nanay Fely. Kung hindi ako sinundan noon ni Nanay Fely at nakitang tinapon ni Tita Claudia ang walang malay kong katawan sa dagat ay malamang tuluyan na nga akong namatay. Kaya sagad hanggang buto ang galit ko kay Tita Claudia. Hinding hindi ko sya mapapatawad. Babawiin ko ang lahat sa kanya at aagawin ang pinaka importanteng bagay sa kanya. -- TUMANGO tango si Miss Wilma habang tinitingnan ang screen ng computer. Tapos ko ng i-type ang pinapa-type nya sa akin. "Very good. Mabilis kang magtype Miss Rosal." "Thank you po ma'am." "Anyway, pagkatapos mo dyan ay tawagan mo ang office ni Mr. Sandoval. I-confirm mo kung natanggap na nila ang email na pinadala natin sa kanila. Hindi nag re-response eh. Importante yun." "Yes ma'am." Tinapos ko na ang ginagawa sa computer para magawa ang sunod na inuutos ni Miss Wilma. Pang limang araw ko na ngayon sa pagti-training at unti unti ko ng nagagamay ang mga trabaho ko. Pero dahil wala pa ang big boss ay hindi pa ganun kabusy dito sa opisina. Nasa bakasyon pa kasi si Sir Marcus at si Tita Claudia kasama ang nag iisang anak nilang babae. "Hello Sir Marcus.." Natigilan ako sa pag ta-type at lumingon kay Miss Wilma na kausap si Sir Marcus. Tumingin sya sa akin kaya muli kong tinuloy ang ginagawa. "Yes sir, natawagan ko na po si Mr. Nobralez. Ni-reschedule ko na po ang appointment nyo sa kanya.. Yes sir.. all is well.." Mataman akong nakikinig sa pakikipag usap ni Miss Wilma kay Sir Marcus habang abala ang mga daliri ko sa pag ta-type. "Yes sir.. It is her fifth day in training. Oh yes.. she is good. Hindi ako mapapahiya sa inyo. Okay sir.. Thank you and enjoy." Binaba na ni Miss Wilma ang cellphone. "Si Sir Marcus ang tumawag. Mapapaaga ang uwi nilang magpamilya. Next week ay uuwi na sila." Tumingin ako kay Miss Wilma. "Pagbalik po ba ni sir, aalis na po agad kayo?" "Hindi naman agad agad. Mag i-stay pa ako ng two weeks. So magkakasama pa tayo." Ngumiti ako kay Miss Wilma. "Excuse me, iwan muna kita saglit. Pupunta lang ako sa HR department." "Sige po, ma'am." Sinundan ko ng tingin si Miss Wilma na lumabas. Bumuntong hininga ako at sumandal sa swivel chair. Nalalapit na pala ang pagkikita namin ni Tita Claudia. May kaunting kaba sa dibdib ko pero mas lamang ang galit ko at kagustuhan kong maisakatuparan ang mga plano ko. -- Mataman kong tinitigan ang isang picture sa screen ng aking cellphone. Nakuha ko yun sa site ng isang sikat na family magazine. Family picture yun ni Tita Claudia. Kasama ang asawa nyang si Marcus at ang limang taong gulang na anak na babae. Larawan sila ng masyang pamilya. Parehas nakangiti sa camera. Magandang maganda pa rin si Tita Claudia na mukhang bata pa sa kabila ng edad nyang treinta sais. Pero halata ding salamat doc sya kaya napanatili ang batang hitsura. Demure na demure din ang dating nya sa suot nyang puting dress na akala mo ay isa syang mabait na tao at walang kabahid bahid ng dumi. High school pa lang ako ay nakasubaybay na ako sa buhay ni Tita Claudia sa social media. Naging matunog kasi ang pangalan nya dahil sa beauty product nya na talaga namang sumikat at tinangkilik ng maraming tao. Updated ako lagi sa mga ganap nya sa buhay. Talagang nagpakasasa sya sa kayaman ng pamilya ko. Kung saan saang bansa sya nagta-travel kasama ang mga kaibigan. Nami-meet ang mga kilalang artista mapalokal man o hollywood. Laging may bagong designer bag, shoes, clothes at kung ano ano pa. Nakatira sa isang exclusive subdivision at nagmamay ari ng multi million na malaking bahay na alam ko namang galing sa pera ng pamilya ko ang pinambili. Lumago ang kanyang beauty product at nangunguna ng brand ngayon sa bansa. Updated din ako sa love life nya. Kung sino sino ang naging boyfriend nya. Mga kilalang artista, businessman at pulitiko. Hanggang sa naging sila ni Marcus Romero. Ang tanyag na businessman. Hindi lang sya sikat dahil isa syang magaling na businessman kundi sikat din sya dahil sa hitsura nya. Gwapo si Marcus Romero sa tunay na kahulugan. Litaw ang lahing banyaga sa kanya. Pangahan ang mukha na napapalibutan ng bigote at balbas. May matangos na ilong at manipis na mamula mulang labi at malalim na mga mata na kulay kape. Matangkad din ang lalaki at may matipunong pangangatawan. Maraming kababaihan ang naiinggit kay Tita Claudia. Tinagurian nga syang babaeng pinagpala sa lahat. Successful ang kanyang business at may asawa pang gwapo at mayaman. Sabi nga nya sa mga interview na kuntento na sya sa pamilya nya at mahal na mahal nya ang asawa at anak nya. Mapait akong ngumiti. Ganito din kami dati. Ako, si mommy at si daddy. Masayang masaya kami noon. Marami kaming pictures na magkasamang tatlo na masaya. Hanggang sa dumating si Tita Claudia sa buhay namin at ginulo ang lahat. Sinira nya ang pagsasama ng mommy at daddy ko. Inagaw nya sa akin ang lahat. Tumiim bagang ako at nanalim ang tingin sa nakangiting mukha ni Tita Claudia. 'Nalalapit na ang pagbagsak mo Tita Claudia. Unti unti kitang huhubaran ng maskara sa madla. Ipapakita ko sa kanila ang tunay na kulay mo. Babawiin ko ang lahat ng kinuha mo sa akin.' . . ***Marcus POV*** "UGH s**t honey! Yes yes yess ugh f**k! Uhmmm!" Parang nababaliw na ungol ni Claudia na bakas sa mukha ang sarap. Tirik na tirik din ang kanyang mata at halos puti na lang ang nakikita. Mas sinagad ko pa at binilisan ang bawat bayo ko sa kanyang basang basang lagusan. May kakaiba ngayon sa p********e nya. Parang sumikip. Siguradong may ginawa na naman sya sa katawan nya. Napabuntong hininga ako habang umuulos. Malapit na akong mag release "Ohh f**k yess honey! Ughh ughh ughh I'm c*****g!" "Ughh!" Daing ko sabay bayo ng sagad na sagad kasunod nun ang pagsabog ng aking katas sa kanyang loob. Naramdaman ko rin ang mainit na katas ng asawa na bumalot sa aking kargada. Nanginginig pa ang kanyang katawan at tirik na tirik ang mga mata. Hinugot ko na ang p*********i kong nanamlay na. Umaasa ako na may mabubuo. I want a son who will carry may name. May anak akong babae at mahal na mahal ko sya dahil prinsesa ko sya. Pero iba pa rin ang anak na lalaki. "Oh gosh honey.. ibang klase ka talaga. Parang nararamdaman ko pa ang c**k mo inside my p***y mm.." Sambit ni Claudia na hinihimas ang sariling p********e. Napangisi naman ako at bumangon na sabay dampot ng roba. "Wait honey? Where are you going?" "Sa banyo, hon. Maliligo na." Nasalubong ang kilay nya. "Are we done?" "Yes." "But honey.. gusto ko pa. Nakakadalawang round pa lang tayo eh." Protesta nya. Bumuntong hininga ako. "Male-late na tayo, hon. Nasa helipad na ang piloto at hinihintay nya tayo. C'mon get up. Mag asikaso ka na." Sumimangot si Claudia at nagdadabog na bumangon. Napailing iling na lang ako at di na pinatulan ang pagdadabog ng asawa. Pumasok na lang ako sa banyo at ni-lock ang pinto para hindi pumasok ang asawa at mamilit. Ine-expect ko naman na mabibitin sya. Claudia is a very horny woman. She loves to f**k 24/7. Noong bagong nagsasama pa lang kami ay walang kasawaan kaming nag se-s*x. I gave her all the attention that she wanted. She is a great woman kahit maraming mga flaws. Kaya namang palampasin basta huwag lang sosobra. "Daddy!" Tumakbo palapit sa akin ang limang taong gulang kong prinsesa. Bagong bihis na sya at ready ng umuwi ng Pilipinas. Binuhat ko sya at kinarga. "Good morning my little Princess Daisy." Hinalikan ko sya sa pisngi. "Good morning my handsome daddy." Bibo nya ring bati at hinalikan din ako sa pisngi. Napangiti ako sa kalambingan nya. "Are you excited to go home?" "Yes daddy! I missed lolo na." Nakangusong sambit pa nya. Natawa naman ako. "We will visit lolo when we get home, okay?" Muli kong hinalikan sa pisngi ang anak. Tumango tango naman sya. "Mommy!" Lumingon ako at nakita ko ang asawa na nakabihis na. May suot syang dark shade at pulang pula ang labi. Kulay brown na dress ang suot nya na hakab sa kanyang makurbang katawan. Ngunit ang kanyang malusog na matigas na dibdib ay halos lumuwa naman dahil mababa ang neckline. Matamis syang ngumiti sa aming mag ama. "Good morning baby." Bati ni Claudia sa anak namin at humalik sa pisngi nito pati na rin sa akin. Inihit pa ako ng ubo dahil sa tapang ng pabango nya. "Are you okay, honey?" Nag aalalang tanong ni Claudia at humawak sa braso ko. "Yes I'm okay. Pero parang masyado yatang matapang ang pabango mo, hon." "Oh really? Bangong launch tong perfume na to ng company and everybody loves it. Masyado lang yatang sensitive ang ilong mo, honey." Natatawang sabi pa nya. Napabuntong hininga na lang ako at hindi na umimik. Wala namang saysay makipagtalo sa walang kwentang bagay lalo pa at matigas naman ang ulo ng asawa. "Let's go. Kanina pa naghihintay sa atin ang piloto." Sabi ko at naglakad na palabas ng rest house habang karga si Daisy. Humawak naman sa braso ko si Claudia. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD