***Niva POV*** "WHAT happened?" Kunot noong tanong ni Marcus sa nag aalalang boses paglapit ko sa kanilang dalawa ni Daisy. Nasa labas na sila ng pet shop at hinihintay ako. Tumingin ako kay Daisy na abala sa hawak na pet toy na tumutunog. Bumaling ako kay Marcus na marahang hinahaplos ang pisngi kong mahapdi dahil sa malakas na sampal ni Tita Claudia. Bumaba pa ang tingin at hawak nya sa aking leeg. "Who did this to you?" Tiim bagang na tanong nya sa mahinang boses. "Si Claudia. Sinundan nya ako sa comfort room at nagpambuno kami doon." Pabulong na sabi ko para hindi marinig ni Daisy. Nagsalubong ang kilay nya. "Nandito sya?" "Oo. Nasa comfort room pa sya." Umigting ang panga nya at gumuhit ang galit sa kanyang mukha. Akmang lalampasan nya ako pero agad akong humarang at humaw

