***Marcus POV*** HINITHIT ko ang sigarilyo at binuga sa ere ang usok. Bihirang bihira na lang ako manigarilyo hindi gaya noong nasa twenties pa ako na malakas akong manigarilyo. Naninigarilyo lang ako kapag malalim ang iniisip ko gaya ngayon. Si Niva ang laman ng isip ko ngayon. Ilang buwan na kaming magkarelasyon pero marami pa akong bagay na hind alam tungkol sa kanya. Gaya ng hindi ko pa nakikilala ang pamilya nya. Bagaman sinabi na nya sa akin na ulila na syang lubos at ang tiyahin at tiyuhin na lang nya ang kasama nya ngayon sa buhay. Mahal na mahal ko si Niva pero gusto ko pa rin syang makilala ng lubusan dahil sya ang babaeng gusto kong makasama habang buhay. Bumuntong hininga ako at tumingin sa kawalan. Bakit ba pakiramdam ko ay may tinatago sa aking sikreto ang nobya. O baka

