***Niva POV*** NAGPAALAM nga ako kay Marcus na mag le-leave ng one week. Agad naman nya akong pinayagan kahit two weeks pa daw akong mag leave. Inalagaan ko si Ante Val kahit hindi naman talaga sya alagain. Hindi ko na lang sya muna pinapakilos ng mabibigat at nilulutuan ko sya ng masusustansyang pagkain. Ako rin ang nagpapaalala ng oras ng inom ng gamot nya. Dumating din galing Pangasinan si Nanay Fely at may dalang gulay para kay Ante Val. "Kuh, ke hilig hilig mo kasi sa matatamis kaya hayan mataas ang blood sugar mo." Sermon pa ni Nanay Fely kay Ante Val. "Titigilan ko na nga ang pagkain ng matatamis, ate. Manggugulay na lang ako." "Hindi lang matatamis ang tigilan mo. Maghinay hinay ka rin sa kanin. Malakas din yan magpataas ng blood sugar." "Oo ate, alam ko na yan." Kakamot

