***Niva POV*** MALAKAS ang kabog ng dibdib ko nang tumahimik si Tito Damian sa sinabi ni Marcus na magpapakasal kami. Pati si Nanay Fely at Ante Val ay natahimik din. Pakiramdam ko ay tutol si Tito Damian sa pagpapakasal namin ni Marcus. Bahagya akong napayuko at napakagat labi. "Sigurado ka na ba Marcus sa desisyon mo?" Tanong ni Tito Damian. "Yes, papa. Hindi pa ako naging ganito kasigurado sa buong buhay ko. Pakakasalan ko ho si Niva." Tugon ni Marcus sabay pisil sa kamay kong nakapatong sa hita nya. "Kung ganun ay wala na akong magagawa sa desisyon mo. Hindi rin ako tututol." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Tito Damian. "Salamat ho, papa." Wika ni Marcus. Nag angat naman ako ng mukha at tumingin kay Tito Damian. "Salamat po, tito. Alam ko pong nawalan kayo ng tiwa

