***Niva POV*** SA isang exclusive subdivision kami pinatira ni Marcus. Malaki ang dalawang palapag na bahay at moderno ang istraktura. May apat na kwarto ang malaking bahay, dalawang living area, isa sa ground floor at isa naman sa second floor. Malaki ang kusina pati na rin ang komedor. Meron din syang entertainment room at study room. May lanai din at swimming pool, garden area at malawak na garahe. Manghang mangha sila Ante Val at Nanay Fely. Ako naman ay nahihiya lalo pa at hinala ko ay bagong bili ni Marcus ang bahay na ito na kumpleto na rin sa mga kagamitan na halatang hindi pa nagagamit. "Naku, napakalaki naman pala at napakaganda ng bahay na ito." Bulalas ni Ante Val habang nag iikot sa loob ng malaking bahay. "Bahay nyo rin ba ito, Marcus?" Tanong ni Nanay Fely. "Bahay k

