Bing Fernandez "We're here!" narinig kong sambit ni Sir Lucio. Bakas ang excitement sa boses nito. Napatingin ako sa driver’s seat at sakto na nakatingin si Sir Lucio sa akin habang nakangiti. Ngiti na parang nanalo sa lotto. Agad akong nag-iwas ng tingin at biglang nag-focus sa pagtatanggal ng seatbelt. Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin akong magtama ang tingin naming dalawa mula nang magdikit ang katawan namin kanina do’n sa may convenience store. Ang hirap talaga kapag no boyfriend since birth. Pakiramdam ko ay nawala na ang virginity ko dahil sa higpit ng yakap namin sa isa’t isa kanina. Imbes na inaalala ko lang ngayon ay ang pagkawala ng cellphone ko ay mas nanaig na ang kakaibang damdamin ko para sa amo. Ewan ko at iba ang pakiramdam ko kanina. Sobrang takot kasi ako kaya n

