Bing Fernandez Halos hindi ko manguya ang kinakain habang katabi si Sir Lucio sa pagkain. Imbes na do’n siya sa pinakagitna ng mesa ay tinabihan niya ako ng upo. Ayoko talaga na sumabay sa pagkain ni Sir Lucio pero pinilit niya ako. Hindi ko naman na magawang tumanggi pa dahil baka isumbat sa akin ang sahod na binigay sa akin. Pati ang tungkol do’n sa sinasabi nito na matulog daw ako sa katabing kwarto ay hindi ako makapaniwala. Parang hindi na basta kasambahay ang turing nito sa akin. Hindi naman na ako nag-react pa do’n sa sinabi ni Sir Lucio do’n sa kwarto. Ewan ko lang kung ipipilit pa nito. “You need to eat more, Bing. Para marami kang lakas.” Napatingin ako bigla sa tabi ko. Nagtama ang mga mata namin ni Sir Lucio. “Sir?” tanong ko. “Parang ang konti lang ng kinain mo?” Balik

