Bing Fernandez “Hi, Bing!” Bigla akong napalingon sa tumawag sa akin. “Sir Bennet, kamusta po?” Nakangiting bati ko nang tuluyang makalapit sa akin ang gwapong bagong kapitbahay namin. May dala itong cute na malaking aso na hawak nito ang dog leash. Kanina ay napansin ko na siyang naglalakad malayo pa lang nang naroon pa ako sa gate sa tapat na mansion at kausap si Emma. Wala naman kasi akong magawa sa loob ng mansion kanina at para maiwasan ang pag-o-overthink ay naglinis ako. Si Sir Lucio ay hindi na lumabas ng kwarto nito at malamang na nakatulog. Kaya nagtapon ako ng basura muna sa labas bago magluto ng hapunan namin ni Sir. Sakto na nakita ko si Emma at simpleng nagkwentuhan kami tungkol sa kung ano-anong bagay. Ito nga na tumawid na ako pabalik sa bahay ay tinawag pa pala ako

