Bing Fernandez "Rose! You're going home?" Bigla ay napatingin kaming dalawang babae sa lalaking pababa ng hagdan. "Sir Alex, gising na rin pala kayo..." Sambit ni Miss Rose. "Kailangan ko na pong umuwi para makapagpahinga. " "Why? Hindi ka ba nakatulog nang maayos sa guest room?" tanong ni Sir Alex nang tuluyang nakalapit sa amin. “Sa guest room? Sa guest room siya natulog?” Biglang tanong ko sa isip. Bigla rin ay parang ang mabigat na bato sa dibdib ko ay nawala. Para akong nabunutan ng tinik. Ibig sabihin ay hindi sila magkatabi na natulog ni Sir Lucio? Pero bakit nakasuot si Miss Rose ng maluwag na tshirt? Alam kong tshirt ‘yon ni Sir Lucio. Imposible naman na ‘yon ang outfit niya. Baka naman after nila mag-chuckchakan ay doon pinatulog sa guest room ang secretary? "Nakatulo

