Bing Fernandez Bigla ay nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni Sir Lucio. “Hey, hindi mo ba nagustuhan? Papalitan ko… Don’t worry… please don’t cry.” Parang gusto niya na akong hawakan kung hindi lang niya hawak ang cute na tuta. Umiling ako at pinunasan ang luha ko. Na-overwhelm lang ako kaya ako naiyak. Parang umaapaw ang puso ko ngayon sa saya. "Sir, p-para saan po 'yan?" tanong ko muli kahit narinig ko na ang sinabi niya kanina. "My peace offering... I am really really sorry for what I did yesterday. Kung ayaw mong maging girlfriend kita, it’s okay… basta h’wag mo lang akong iwasan, please." Bakas sa expression ni Sir Lucio ang sincerity. Hindi maikakaila ng mata niya na galing sa puso ang mga salitang binitawan niya. Parang naninikip tuloy ang dibdib ko dahil sa overloaded na

