Bing Fernandez “Kuya, pwede bang sumabay sa’yo pauwi? May dadaanan pa raw sina mommy, eh.” Narinig kong tanong ng magandang kapatid ni Sir Lucio na si Ashley. Bigla akong nabuhayan ng loob sa narinig. Sana makasabay si Ma’am Ashley sa amin pag-uwi. Sana pumayag si Sir Lucio. “Please, Lord!” Abot panalangin ko sa isip. “Hintayin mo na lang si Kuya Luke na umuwi at sa kanya ka na lang sumabay!” Tila nayayamot na sabi ni Sir Lucio sa kapatid habang nilalagay ang mga gamit nito sa car trunk. “Kuya, alam mo na naman na sa dami ng pamangkin natin kay Kuya Luke ay hindi na ako kasya sa sasakyan nila.” Mahinahon naman na sabi ni Ma’am Ashley. “Problema ba ‘yon? eh di sumabit ka sa gulong. Basta bawal sumabay sa sasakyan ko! understood?” sambit ni Sir Lucio na sinarado ang trunk ng sasakyan

