Bing Fernandez "Sir Bennet?" anas ko. Sa dinami-dami namin na makakabangga ay ang bagong kapit bahay pa namin na sobrang gwapo. "D*mn that guy!" Malakas na mura ni Sir Lucio na kulang na lang ay hampasin ang manibela sa inis. Sandaling lumingon sa akin si Sir Lucio. "Are you okay?" Nag-aalala ang mukha nitong tanong sa akin. "O-oo, ikaw Sir? Okay ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?" Wala sa loob na tanong ko. Sa isang iglap tuloy ay biglang nawala ang hiya na nararamdaman ko para sa amo at napalitan ng pag-aalala. Hindi naman malapit ang pagitan namin pero napansin ko na lumamlam ang mata nito bago nagsabi ng ‘yes’. Lumingon naman si Sir Lucio kay Ma’am Ashley. “How about you, Ash?” “Oo, kuya.” sagot naman ng kapatid nito na ramdam ko ang takot sa boses. “But it’s obviously your f

