Bing Fernandez Patay! Galit ba si Sir sa akin dahil sa ginawa ko kagabi na iniwasan siya? Na hindi ko man lang siya hinarap kahit patuloy sa pagkatok? Bukod sa gulat na makita ako dito sa restaurant ay mukhang nayamot si Sir Lucio na nakita ako. Kung hindi nangyari ang nakakahiyang ganap kagabi ay lalapitan ko si Sir at ia-approach. Pero naunahan na ako ng kahihiyan. Tsaka si Lucio rin naman ay mukhang walang balak mag-initiate na lapitan ako. Kahit simpleng ngiti ay hindi nito ginawa sa akin. “Kuya, naka-order ka na?” Bigla ay may dumating na babae na umupo sa tapat ni Sir Lucio. Pero si Sir ay doon pa rin nakatingin sa may beywang ko. “Kuya!” Muling tawag ng babae na hindi ko pa tinitingnan ang itsura. Binaling ni Lucio ang tingin sa kasama. “Bing?” Tawag ni Gabriel sabay hawak

