Bing Fernandez “Bing!” Bigla akong napalingon nang narinig ang tumawag sa pangalan ko. Nakita ko ang security guard na naka-duty ngayon dito sa may harap ng entrance ng village kung nasaan ako nakatayo. “Tulala ka yata, hija? Nakadalawang tawag na ako at hindi ka lumilingon kaya nilapitan na kita. May problema ba?” Mabait ang guard na ito sa akin kaya ngumiti ako dito. “Ah… Wala naman po.” Sabi ko kahit parang baliw na ako sa kaiisip sa pinoproblema ko. “Mamalengke ka ba?” Tanong ni manong guard. Bigla naman akong natigilan sa tanong nito. Alam ko naman na hindi kagandahan ang suot ko. As usual blouse na maluwag at palda na hanggang sa kalahati ng binti ang haba ang suot ko. Pero ‘yung isipin na mukhang palengke lang ang pupuntahan ko ay bigla akong na-conscious. Pupunta kami ni G

