Bing Fernandez Nagising ang diwa ko nang narinig ang ring ng cellphone ko. Nakapikit pa rin ako at ayokong idilat ang mga mata dahil parang wala pang 10 minutes ako nang pumikit. Parang malapit nang lumalim ang pagtulog ko, naistorbo pa dahil sa tawag. Siesta ko sana at wala naman akong ibang gagawin kaya magpapahinga muna ako dito sa kwarto at mamaya na lang magpapaka-busy sa gawaing bahay. Sa tingin ko ay si Gabriel ang tumatawag dahil may usapan kami na magkikita bukas. Day-off ko bukas at sahod ko sana ngayong araw. Pero wala si Sir Lucio at pangatlong araw nang hindi umuuwi ngayong kaya hindi pa nito naibibigay ang sahod ko. Hindi rin siguro nito naalala na pasuhurin ako dahil sa dami ng iniisip nito sa trabaho at ayoko naman na mag-follow up. Kahapon na tumawag si Gabriel ay bi

