Bing Fernandez Mabilis akong kumilos nang makaalis si Sir Lucio at nagligpit sa kusina. Naglinis ako ng bahay para maaga akong matapos at makapagpahinga para naman sa pagluluto mamayang hapon. Matapos ko sa kusina ay tumungo pa ako sa mini gym ni Sir Lucio sa loob ng mansion para maglinis doon. Dahil nga sa gabi ay nagwo-work out pa ito. Kaya nga kahit maraming nakakain ay maintain pa rin nito ang magandang katawan. Bigla ko na naman tuloy naaalala ang magandang katawan ni Sir na ilang beses ko nang nakita. Tapos ang ganda pa ng abs. Excited ako na mamaya ay makakalabas ng bahay at si Sir Lucio ang pupuntahan ko. At least makakakita ako ng mga building ngayon. Supermarket at mansion lang ako at never pa nakagala simula nang mapunta dito sa Maynila. Wala pa rin naman kasi akong pera

