Brianna Lyn Cameron “Ma’am Yana!” Bigla akong napatingin sa assistant ko na tumaas ang boses sa pagtawag sa akin. “I’m sorry, Ma’am, tulala po kasi kayo,eh. Narinig niyo po ba ang mga sinabi ko?” “H-ha? Ahm… I’m sorry… Ano nga uli ‘yon?” “Tungkol po do’n sa out-of-town niyo kasama si Sir Gabriel. Bukas na po kasi ‘ang flight niyo. Gusto niyo po nang ulutin ko ang discussion natin. Kasi po baka may na-miss kayong details kapag kakausapin niyo na po ang client natin." “Uhm… S-sige… Pero pwedeng mamaya na lang? Siguro after lunch na lang natin pag-usapan. Magre-review lang ako ng files. Medyo puyat kasi ako kaya wala pa ako sa mood na makinig.” Ngumiti ako sa assistant ko. “Sure po, Ma’am… Gusto niyo po ba na ipagtimpla ko kayo ng kape. O, bilhan ko kayo ng pastry sa café? Tumawag po k

