Chapter 55

2011 Words

Brianna Lyn Cameron Nagising ang diwa ko nang maramdaman ang pananakit ng pantog ko. Ayoko pang dumilat pero hindi ko na kayang pigilan na umihi. Marahan kong dinilat ang mata at tumambad sa akin ang kisame na hindi ako pamilyar. Bigla akong kinabahan dahil hindi ko alam kung nasaan ako. Sinipat ko agad ang katawan kung may masakit sa akin pero wala naman. Bumangon ako at tinanggal ang nakabalot na kumot sa akin. Nanlaki ang mata ko nang makita na iba na ang damit na suot ko. At pamilyar pang damit ‘yon. Agad kong nilibot ang mata sa malawak na kwarto. Sobrang nagtataka ako kung nasaan ako. Malaki na ang kwarto ko pero doble ang laki nitong kwarto kung nasaan ako. Parang pinagsamang bedroom at cinema room dahil sa laki ng tv at pati na rin mga speakers. Parang sa dating kwarto ni Lu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD