Bing Fernandez Ayaw paawat ng luha ko at hindi na yata mauubos kahit ramdam ko nang magang-maga ang mata ko. Hindi ko na rin magawang umalis pa dito sa pinagtataguan ko. Gusto ko lang na magtatakbo sa labas ng mansion at magpasagasa sa sasakyan sa highway. Pero kahit ‘yon ay hindi ko magawa dahil hinang hina na ako. Paano mo nagawa sa akin ‘yo Lucio? Sobrang minahal kita! Paulit-ulit ko siyang minura sa isip ko. Pati sarili ko ay sinisisi ko dahil naging tanga ako. Ang laki kong tanga dahil napaniwala ako ng isang Lucio Del Fiero na isang gwapo, mayaman at sarili kong amo na iibig sa isang tulad kong ulila, hindi kagandahan at kasambahay niya lamang. Kung ako lang ang klase ng babae na eskandalosa ay kanina pa namamaga ang pisngi ni Lucio sa sampal na ibibigay ko at susugod ako sa ka

