Brianna Lyn Cameron “Very good!” Nakangiting lapit ni Sheila sa akin sabay tapik sa balikat ko. “Do you think I can make it?” Kinakabahan na tanong ko. “Sus! Ikaw pa… I know you will win. Sa akin pa lang ang lakas na ng hatak mo, eh.” Narito kami ni Sheila sa studio niya. Pangatlong araw na ng training ko sa kanya para sa gagawin kong pagrampa sa De Luna Resort kung saan isa na ako sa official candidate ng annual Bikini open nila. Matapos gawan ng paraan ni Sheila na makapasok do’n kahit tapos na ang audition ay naging busy muna ako ng ilang linggo para mag-asikaso sa personal na bagay... gaya ng training ko bilang Junior executive sa Blythe Jewelry. Hindi alam ni mommy ang mga pinaplano kong gawin na makipaglapit kay Lucio. Pati sina Gabriel at Kuya Bennet ay hindi rin alam. Sigur

