AFTER 2 YEARS Brianna Lyn Cameron "You don't need to join the competition. Kahit maglakad ka lang siguro sa mall ay may makakapansin kung gaano ka ka-artistahin, Yana. Kung alam ko lang na pag-aartista ang gusto mo ay sinabihan mo ko. May connection ako sa isang talent search—" "Hindi ko gustong mag-artista, Sheila." pinutol ko agad ang sasabihin ng kaibigan ko. "I knew it. Gusto mo lang makita ni Lucio kung sino ang sinayang niya?" Nakangising sabi ni Sheila. Puno ng panunukso ang tingin niya sa akin habang magkaharap kami sa table. Kahit i-deny ko ay alam ko naman na hindi siya maniniwala na hindi 'yon ang pakay ko. Pero bukod pa do'n ay gusto ko rin naman iparanas sa isang Lucio Del Fiero kung ano ang pakiramdam na mapaglaruan ang damdamin. Gusto ko na sa pagkakataon na ‘to ay ako

